Ika apa’t napung araw. Ika apa’t napung araw simula ng lumisan ka. Isang trahedya para sa babaeng walang ibang hinangad kundi mahalin ka ng sobra. Na bigla mong iniwang mag-isa na wala man lang pasintabi o paalala. Isang kurap lang ng mga mata tila ba ika’y naglaho na.
Naaalala ko pa yung isang araw na sobrang saya kasama ka. Na halos ipagpasalamat ko sa Dyo’s kung bakit binigay ka nya. Walang kahit na ano mang hiniling kundi ang manatili ka dahil sapat na. Sapat ka na sa buhay ko na binigyan mo ng maraming ala-ala.
Apat napung araw… Bigla ko tuloy naalala nung sabay tayong tumatakbo sa kalsada hawak mo yung mga kamay ko habang naka ngiti ka. Saba’y sabing “Mahal na mahal kita” handa ka bang sumama sa mundo ko na ikaw at ako ang bida.
Apat napung araw… Isang araw ng sabihin mong ayaw mo na. Isang araw na gumuho ang mundo kong mag-isa. Paano na? paano na ung araw araw na ninanais makapiling ka. Paano na yung mga pangako at pangarap nating dalawa. Ganun nalang ba kabilis para sayo ang bitawan na? O ganun nalang kabilis sabihin ang “Hindi ko na kaya” kesa sa “Kapit lang.. Mahal kita.”
Apat napung araw … Pakiramdam ko ayoko ng gumising pa. Na dati’y may ngiti sa mga mata bago ka matulog sa gabi at pagkabangon sa umaga hanggang sa napalitan na ng mga mugtong mga mata. At hindi kana makausap pa.
Mahal… Apat napung araw simula nung lumisan ka. apat napung araw na iniwan mo akong nagiisa. Yung makasama ka sa nakaraan ko… Minamahal hanggang sa kasalukuyan ko. Ngunit napaka sakit na bigla pag gising mo pinili mo na lang na hindi na ako ang babae sa hinaharap mo.
Ngayon ito ang ika Apatnapung araw ng pagdadalamhati ko sayo. Katulad sa mga yumao gusto kong sa ika apatnapung araw na paglisan nila sa mundo… yung puso ko na nagluluksa sayo ay kailngan na palayain sa masakit na pinagdaanan nito. Paalam mahal ko . Sana’y maligaya ka sa pinili mo. Hangad ko parin ang kaligayahan mo. At yung naman ang importante dito kahit hindi na ako ang dahilan ng kasiyahan at pangarap mo. Sinindihan ko yung tatlong kandila dito sa tabi mo. Paalam…
Hanggang sa muli mahal ko. 💔