Ang tagal ko nakatitig sa cellphone ko, sa dami ng gusto kong sabihin, hindi ko alam paano sisimulan.
Pero siguro umpisahan ko sa gusto kong isigaw sa buong mundo. Mahal kita.
Unang beses pa lang kita nakita, minahal na kita. Sayo ko unang naramdaman yung sinasabi nila na love at first sight. Kaya naman nung naging tayo, sobrang saya ko hindi mo alam paano mo binago ang mundo ko. Dahil sayo natuto uli akong mangarap, bumilib sa sarili. Kahit alam ko na imposible, basta nandyan ka sa tabi ko alam ko kaya. Naging sapat na sa akin yung alam ko na may isang taong naniniwala sa akin. Na kahit hindi derechong sinasabi, alam kong mahal ako. Sabi nga nila di ba “action speaks louder than words” at yung pagmamahalan natin humihiyaw, maraming nakakarinig kahit walang nagsasalita.
Kaso galing tayo sa magkaibang mundo, tayo yung walang magaakala na magtatagpo. Mahal natin ang isa’t isa pero ang dami nating kailangang iconsider. Sa sobrang dami, nakalimutan na natin gaano tayo nagiging masaya pag magkasama. Nagsimula ang away. Hanggang sa napagod na lang. Hindi ko na din narealize na nasasaktan na pala kita. Sa sobrang pagaalala ko sa sarili kong pain, nakalimutan ko tanungin ka. Naging selfish ako. Hindi ko napansin na nakakagawa na pala ako ng sugat sa feelings mo. Hindi ako nagbago, instead mas lumala pa yata ako. Nahihiya ako kasi pinangako ko na hindi kita sasaktan, pero I failed. I failed bigtime and in the process, I lost you.
I miss you. Miss na kita ng sobra. Miss ko na yung feeling na kampante ako pag kasama kita. Miss ko na yung inaaway mo ko kahit hindi ako yung kaaway mo talaga. Miss ko na yung tinititigan lang kita.
Pero alam kong huling huli na ako. Hindi ko na nahabol yung paghingi ko ng sorry sa mga nagawa ko. Pinairal ko yung pride ko. Siguro nga hanggang dito na lang talaga tayo.
Mahal pa din kita pero hiyang hiya na ako. At alam ko kahit anong gawin ko na pagmamakaawa sayo, wala naman magbabago. Ayoko na uli na masaktan kita.
Sana balang araw pag nagkita uli tayo, mapatawad mo ako at hindi mo na maramdaman yung sakit. Sana balang araw yung masasayang memories na lang natin yung maalala mo. Sana balang araw maniwala ka na minahal kita ng sobra.
Current Article: