Mahigit sampung taon kong binakuran ang puso at sarili ko . Hindi ko inakalang sa maikling panahon mahuhulog ang loob ko saiyo. Saiyo lamang muling naramdaman ito at saiyo lang muling umasa pagkatapos ng matagal na panahon.

Gusto kita. Gusto kitang mahalin. Gusto kitang alagaan. Gusto kong kumapit. Gusto kong ipaglaban yung nararamdaman ko pero paano kung alam kong sa laban na to mag isa lang akong lumalaban. Paano ako kakapit kung wala naman akong makakapitan.

Gusto kita. Handa akong magcommit at handa akong isaalang alang ang lahat . Pero ikaw ramdam kong walang kasiguraduhan. Ramdam kong hindi ka pa handa. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako maghihintay at patuloy na aasa. Ngunit sa ngayon hahayaan na muna kita. Sa ngayon di na muna kita gagambalain. Pero mahal, maghihintay ako.