Mahirap maging ako.

Akala nila matalino ako.
Akala nila magaling ako.
Akala nila malakas ako.
Akala nila masaya ako.

Hindi ako matalino.
Hindi ako magaling.
Hindi ako malakas.
Hindi ako masaya.

Tanga ako.
Ginagawa ko lang kung ano yung dapat gawin.
Mahina ako.
Ako na ang pinakamalungkot na tao sa buong mundo.

Mahirap maging ako.

Dahil araw araw pinaglalabanan ko ang mga demonyo sa utak ko.
Dahil araw araw pinipilit kong gawin yung mga bagay na minsan ayaw ko.
Dahil araw araw kailangan kong sabihin sa sarili ko na huwag sumuko.
Dahil araw araw kailangan kong maghanap ng bagay kung saan kahit sandali magiging masaya ako.