Dalawa lang naman ang ginagawa ko
kapag nagugustuhan kita,
eto ay yung kakausapin kita.
At kakausapin ko sarili ko pag wala ka

Ang ingay ng mundo kapag tumatawa ka
na kahit sa simpleng halinghing
ay nararapat kung dinggin para malaman mo
na may pakialam ako sa bawat taludtod ng iyong hininga

dahil masaya akong pinakikinggan
ang lahat ng pighati ng pagkawasak mo sa kanya
kahit masakit sinasabi ko na lumaban ka
baka mahal kapa niya, napagod lang siya.

Sa mga oras na yun ay nakikita ko nang
bumabalik na ang iyong sigla, palagi ka
nang tumatawa at napapaisip ako na baka ako
yung dahilan kung bakit ka masaya

Kaya napag desisyonan ko nang magtapat
kahit parang alanganin pa
naging desido akong mahalin ka
kahit hindi kapa tapos magmahal ng iba

kaya napa isip ulit ako
Na mamahalin parin kita
pero imbes na ibigin ka
kakaibigan nalang dahil diyan magtatagal tayong dalawa