Puyod
Categories Poetry

Puyod

Written by Cris Cabrera II

Nagsimula ang lahat ng hindi tayo magkakilala
Walang alam kahit ano tungkol sa isa’t isa
Wala sa isip isip nating magkakalapit pala tayong dalawa
Na magiging magkaibigan na saan ma’y laging magkasama

Ano pa mang matripan, hala sige kung saan mapunta
Ano pa mang mapag usapan, hala sige puro kinatatawa
Hindi pwedeng hindi lilipas ang araw ng hindi tayo magkikita
Sa sobrang lapit nating dalawa’y napagkakamalang magsyota ng iba

Ang hilig mo ay manuod ng kung ano anong k-drama
Ang hilig ko nama’y manuod lang ng anime hanggang sumapit ang umaga
Pero din man tayo parehas ng hilig at panglasa
Parehas naman nating gusto ng mga malulungkot at senti na kanta

Lumipas ang mga araw at buwan na lagi tayong magkausap dalawa
Hindi napansin na nagkakahulugan na pala sa isa’t isa
Ngunit sa hindi alam na dahilan, bigla na lang akong umiwas at nawala
Iniwan kang mag isa, walang alam at lumuluha

Hindi alam sa sarili kung anong nagawa
Nagdesisyong umuwas dahil ang pagpirmi sa iyong tabi ay makakasama
Alam kong mali na lumimot kaya ika’y nabigla
Pero kahit ika’y pinapalimot ko, di mawawala sa isip ko ang puyod mo at saki’y magsisilbing alaala