“I always thought you are the best and I guess I’ll always will” My favorite song for you. Because since 2005 andito ka sa tabi ko,di man palagi pero pag kasama kita gusto ko ng huminto ang oras. Walang taong nagparamdam sa akin ng pag-aalaga na tulad ng sayo. At for the record na sa pagiging strong independent woman ko. Pag dating sayo, mahina ako. Ewan ko ba kasi noon sa tuwing magkasama tayo ako yung priority mo, o baka feeling ko lang yun. Sobrang bait, sobrang caring at sobrang sensitive mo sa need ko. Yung tipong di pa ko nagsasalita pero alam mo na may kailangan ako. Yung ikaw yung kasama mo sa mga oras na palpak ako at lagi mong sinasabing ok lang yan. Ang sarap lang balikan ng nakaraan. Pero ngayon parang kahit malapit na tayo sa isa’t isa pero malayo na ang ating puso. Para tayong nasa iisang ilog pero nasa magkaibang bangka. Ikaw nakatingin sa kanya kasama ang mahal niya, at ako nakatingin sayo, minamahal ka sa malayo. Kahit alam mong andito ako lagi para sayo pero kahit minsan di mo ko napansin, di mo napapansin yung mga luha kong pumapatak para sayo.
Hindi ko naman hangad na mahalin mo ako pabalik, kasi alam kong malabo yun dahil “Ate” ang tingin mo sa akin. Ayoko lang yung nakikitang sinasaktan ka ng iba. Ayoko lang nakitang nahirapan ka na makita siyang masaya sa iba.At ikaw panakip butas niya, na ikaw yung nandiyan sa tuwing kailangan ka niya. Kasi mahal mo siya, pero sana mahalin mo din sarili mo. Kahit di na ako, kasi kahit masakit mas pipiliin ko yung maging masaya ka.
Sa totoo lang nakakapagod na ang lahat. Nakakapagod unawain ka, nakakapagod na makita kang ganyan. Pero di ako bibitaw dahil mahal kita kahit di mo yun nakikita. Mahal kita kahit alam ko malabo. Mahal kita kahit hanggang dito lang ang pwesto ko sa likuran mo. Aantayin ka hanggang makita kitang totoong masaya. At sa pagkakataong yun at natiyak ko nang mahal ka niya. Hahayaan na kitang maging masaya.Kakayanin ko na, basta makita kang masaya.