Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ganun pala talaga yun ano

Sobrang Hirap I let go ng feelings

 

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kasi Minahal mo talaga yung tao

Kahit sobrang dami nyang pagkakamali

Paulit ulit mo lang siyang papatawarin

 

Kahit gaano kasakit yung pambabaliwala nya sayo

Siya parin ang pipiliin mo

 

Kahit na alam mong higit pa dun yung pagmamahal na dapat sayo

 

Yung pagmamahal na wala kang kahati

Yung pagmamahal na hindi ka pag iisipin kung talaga bang mahal ka nya.

 

Minsan naiisip mo na lang kung ano bang ginawa mong masama bakit kailangan ganito yung sakit na ibinibigay sayo

 

Yung nais mo lang naman makatagpo ng tunay na pag mamahal

Pero yung pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya hindi pala yun sapat

 

Yung alam mong ginawa mo na lahat pero para sa kanya kulang pa

Dahil may hinahanap pa siyang iba o dahil ba hindi ka nya mahal talaga

 

Kailangan ka lang nya dahil ikaw yung laging nandyan para sa kanya

Kaya alam nya kahit paulit ulit ka nyang iwan

 

Alam nyang may babalikan pa siya

Ang sakit isipin na yung taong pinipili mo makasama at mahalin

 

Ay yung taong ang tanging alam ay baliwalain ka lang

Yung taong ginagawa ka lang pam palipas oras nya

 

Yung oras at panahon na ginugol mo para mahalin sya

 

Ay mga oras at panahon na ginamit nya upang paikot ikutin ka lang sa mga matatamis nyang salita na hindi nya kayang tumbasan ng gawa

 

Oras at panahon na sanay masaya ka

Pero pinili mo siya sa pag aakalang sa kanya ka higit na sasaya

 

Ngayon alam mo na ang katotohanan

Ngayon mas ramdam mo na ang sakit

Ngayon ang tanging hiling mo na lang ay makalimot at maghilom ang puso mong winasak ng pag mamahal na akala mo’y nagtapuan muna

 

Pagmamahal na hinangad at ipinaglaban mo paulit ulit hanggang ikaw na mismo ang napagod

 

Nakakapagod pala talaga magmahal maghintay at umasa na magiging maayos din ang lahat

 

Ngunit wag kang mag alala kakayanin mo ito araw araw mong piliin ang sarili mo

 

Darating ang isang umaga magigising ka na wala ng puot sa puso mo

 

At dadarating isang araw ang tunay na pagmamahal na para lang sayo

 

Pagmamahal na hindi pinilit

Pagmamahal na laging ipaparamdam sayo na ikaw at ikaw lang ang pipiliin sa kahit anong dumating na saya at lungkot

Send me the best BW Tampal!

* indicates required