Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Superhero Na Walang Lovelife


Ang mga superhero daw, walang lovelife.
Dahil bago niya unahin ang sarili nya,
Uunahin muna niya ang mga taong mahalaga sa kanya.
Pamilyang kailangang suportahan,
Kaibigang kailangang damayan.


Nasanay na siya sa buhay niyang
Takbuhan pagmay nangangailangan,
Balikat niyang handang sandalan,
Kamay niyang bulontaryo para sila’y tulungan.


Kasabay mo siyang tatawa kapag masaya ka, 
Kikiligin rin sayo kapag crush mo’y pinansin ka,
Makikiiyak kapag nasasaktan ka,
Handang makipagaway kapag inaapi ka na.


Sa sobrang pagpapahalaga sa paligad niya,
Hindi niya pansing napagiiwanan na pala siya.
Gustohin man niya ay marami palang
Nakaakibat na resposibilidad sa kanya.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required