Sa tagal ng ating pinagsamahan
Sa hiwalayan din pala ang punta
Gabi-gabi iniisip ang nagawa kong kamalian
Ang sabi mo gusto mo lang maging malaya
Binigay ko lahat ng gusto mo
Susuklian mo lang pala ng pagkabigo
Lahat ng kasalanan mo ay napatawad na
Pero bakit kailangan mangiwan pa?
Nagbago ako para sayo
Pero bakit balikan ako ay di mo gusto?
Umaasa parin ako na tayo’y magkakaayos
Pero bakit maayos mong pakikitungo sa akin ay agad mong tinapos?
Ngayong nakahanap ka na agad ng pamalit
Wag ka magalala di ako galit
Kung maisip mo man makipagbalikan
May gusto lang ako iyong malaman
Hindi man tayo naging hanggang sa huli
Pipiliin ko naman ngayon ang aking sarili