Liwanag ng Buhay Ko
Categories Short Story

Liwanag ng Buhay Ko

Liwanag ko

Dalagita,
“You are may sunshine my only sunshine you make me happy when skies are grey” Isang kataga na narinig ko sa kantang You are my sunshine na inawit ng sikat na singer na si Moira. Habang ako ay nakikinig sa kantang ito diko mapigilan ang pag landas ng mga luha sa mga mata ko magmula ng iwan mo ako lahat ng mga pangarap ko naglaho. Nagtungo ako sa dati nating tagpuan at doon ko nalala ang ating mga nakaraan, Nakaraang hindi ko na mababalikan. Umupo ako sa isang tabi at tumingin sa kalangitan na nagbabadya ng malakas na ulan umaayon nga naman tagala saakin ang panahon sa aking kalungkutan. Dumidilim na ang paligid at nagsisimula na din ang pag buhos ng ulan. Gaya ng aming nakaraan na ang dating maliwanag ay natakpan ng kadiliman, kadilimang na nagpa bago saakin ng tuluyun. Ang dating masayang ako napalitan ng kalungkutan na tinatakpan ng kadimang iniwan mo. Habang ako’y nag-iisip ng mga bagay mula sayo di ko na malayang naglalakad na pala ako palayo sa dating lugar na pinapahalagahan ko. Madilim na ang kalangitan ng ako ayo ay naglalakad sa daan naghahanap ng liwanag nag hahanap ng taong magbibigay liwanag ko sa aking buhay. Ngunit nang ako ay tatawid sa kabilang kalye may nakita akong liwanag, liwanag na nagbigay muli ng panibagong buhay at sa pangyayaring ito dito kita nakalimutan ng tuluyan.

Binata,

Anim na buwan, tatlong araw, sampung oras na hindi ko siya nakita. Naglaho ako ng bigla ng walang paalam. Kamusta kana ba mahal ikaw ay maayos parin ba? Wag kang mag alala dahil ako ay pabalik na. Makulimkulim ang panahon pauwi na ako sa bayan upang makita ko siya muli. Unti-unting bumuhos ang ulan madulas ang mga daan gusto kong dumaan sa aming dating tagpuan. Pinaharurot ko ang aking sasakyan at hindi ko namalayan ang pag tawid ng babae sa daan. Malakas na pagkalapag ang aking narinig dali dali akong bumaba at doon ko nakita ang na biglang nag padilim ng aking mundo doon ko nakita ang naka handusay ang taong mahal ko di ko mapigalan ang pag agos ng luha ko.

Dalagita,

Malakas na kalapag at pag sakit ng aking ulo ang nadarama ko. Pag mulat ng mata ko ay nakita ko ang maputing kisame at tinatanong kung asan ba ako. Naramdaman ko ang paggalaw ng nasa gilid ko. Isang lalaking mahimbing na natutulog. Pinag masdan ko ang kanyang mukha matangos na ilong, maputing at may mapupulang labi. Napaka gwapo naman nitong mama. Nang magising ang mama doon ko nakita ang gulat at aligaga niyang mga mata na waring parang di na nakakatulog. Tinanong ko ang mama kung sino siya ngunit di niya ako sinagot kumirot ang aking ulo at patakbo niya akong iniwan.

Binata,

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko magkahalong saya at lungkot. Saya, dahil sa tatlong buwan na pagkakatulog niya ay sa wakas ay nag kamalay na siya. Lungkot, dahil hindi na niya ako naaalala. Sobrang sakit man pero lalaban ako upang ipaalala sa kanya ang mga masasayang alala na aming binuo.

Dalagita,

Naka upo ako sa wheel chair tulak tulak ng kuyang gwapo na nag alaga sa akin sa hospital. Di ko alam pero bakit pagnakikita ko siya may nakikita parin akong sakit. Hindi ko alam kung mabibigla siya o magagalit kung sasabihin kong hindi naman talaga ako nakalimot sa lahat ng aming nakaraan. Pinag mamasdan ko siya hapang isinusubo niya ang paborito kong pagkain, dinala niya ako sa aming dating tagpuan kung saan ibinabalik niya lahat ng aming naka raan. Hindi ko na mapiligang mapa luha at niyakap ko siya nakita ko ang pag ka bigla sa kanyang mukha ngunit aking binalewa, ‘ salamat mahal kaylan man di kita makakalimutan dihil ikaw ang aking liwanag mag pakaylan man’

Author’s adivice
Lahat ng pangyayari sa iyong ay may dahilan kaya iyong pahalagahan ang mga taong nagmamahal iyo ngayon. Kapit lang guys dahil hindi naman lahat ng relationship may happy ending. Salamat