Mahal kong magulang”
Mula pagkabata sila ang umaruga
Nag tatanggol sa akin kapag may kumukutya
Pinupunasan ang aking mga luha
Pinapabangon ako kapag nadadapa
Kailan ma’y hindi iniiwan
Sa lahat ng bagay ay sinasamahan
Anumang disisyon sa buhay ay sinusuportahan
Pagmamahal nila’y walang hanggan
Sa mundong mapaglaro
Sila laging kasangga ko
Pagmamahal nila ay totoo
Kailan ma’y di mag babago
Sa lahat ng bagay sila’y nakaalalaly
Sila ang laging gabay
At tulay sa lahat ng bagay
Kaya mahal kong magulang ang tulang ito’y sa inyo
Lang iaalay.