“Huling Buwan”
Categories Relationships

“Huling Buwan”

 

Huling Buwan
Huling buwan na lamang kaibigan
Huling buwan na lamang na samahan
At tayo’y patuloy ng mag-iiwanan

Huling buwan na lamang
Magtatapos nanaman tayo sa isang paaralan
Paaralang puno ng mga ala-ala
Asaran, iyakan at marami pang iba.

Mga tawanan natin sa silid aralan
Na tila’y wala ng hangganan
Na di matumbasan nino man.
Hanggang dito na nga lang ba ang ating samahan?
Hanngang dito na nga lang ba?
At ito’y isa na lamang ala-ala.
Maaaring ala-ala na lamang pero kailangan
Kailangan para sa ating kinabukasan.

Masakit man isipin na ito na ang huling buwan
Huling buwan na ating samahan
At tuluyan na tayong maghihiwa-hiwalay
Isang misyon naman ang natupad sa ating mga buhay.
Kaya’t ang Diyos ay ating pasalamatan
Dahil tinulungan niya tayong makapag-tapos sa paaralan.

Huling buwan na lamang mga kaibigan
Huling buwan na sanay puro kasiyahan,
At walang anumang alitan.
Lubus-lubusin na natin ang samahan
Dahil ito na ang huling buwan,
At hanggang sa muli mga kaibigan.