Musta na ang Tayo?
Categories Relationships

Musta na ang Tayo?

Apat na salita, labing apat na letra
Mahal na Mahal Kita aking sinta
Tanong ko lang? Meron pa ba ang Tayo?
Oh sadyang kinalimutan mo na ako?

Tayo na parang ikaw Lang at ako na walang tayo
Tayo na ‘di ko ramdam ang presensya mo
Ako pa ba ang tinitibok ng puso mo?
Oh baka naman may Iba ka ng gusto

Masyado na tayong malabo
Para ipagpatuloy pa natin ito
Pero bakit? Bakit gusto pa din kitang ipaglaban
Pusoy ‘di ka kayang bitawan

Sabi mo ‘di mo ko sasaktan
Hindi mo ko iiwan
Mamahalin ko ng walang hanggan
At papakasalan ako sa loob ng simbahan
Pero bakit? Bakit ibang iba kana
Iba sa nakilala ko noong una
Wala na yung dating ikaw
Na sa puso koy nagpapsayaw
Kapag ikaw ay natatanaw.