Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

  • Sa bawat pindot mo kita ko ang gigil mo
    Sa bawat victory mo kita ko ang saya sa mga mata mo
    Sa bawat savage mo kita kong malakas ka na talaga dito
    Sa bawat laro mo di mo alam na unti unti na kong nawawala
    Lahat ng laro mo sinubaybayan ko
    Kahit pa dapat na oras natin ay nilalaan mo sa pag lalaro mo
    Kahit pa nasa harap tayo ng pagkain, magisa nalang akong kumakain
    Kahit pa mas mahaba pa oras mo sa paglalaro ako’y nanatili parin
    Inisip ko, kaya mo pala kahit walang ako basta may Mobile Legends sa harap mo
    Inisip ko, mas mahalaga pa pala yan sakin
    Inisip kong sabayan ka, pero wala din
    Inisip ko, kung mawawala ba ko ay hahanapin mo parin?
    Kasi ang sakit para sakin na mas may oras ka sa ibang bagay
    Pero wala pag dating sakin
    Kasama kita pero di kita dama
    Kasama kita pero ang iyong prisensya ay laging nasa labanan
    Nasan ako?
    Pano ako?
    Sana maisip mo, nandito rin ako inaantay ka lagi matapos sa mga laro mo
    Oras mo lang ang hinihingi ko pero mukang may pinaglalaanan ka na ng oras mo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required