Ewan ko ba kung bakit patay na patay ako sa’yo
Bawat oras at minuto hanap-hanap ang presensya mo
Mahal, ikaw lang ang babaeng nagparanas sakin nito
Yung feeling na kinikilig habang umiihi pero tagos sa buto

Salamat dahil nandyan ka sa bawat lakbay ng buhay ko
Gumagabay at umaalalay, kay sarap ng pag-ibig mo
Yung biglang napapangiti, baliw na ata ako
Kilig na walang kupas at hinahanap hanap ko

Nangangarap noon ako na makahanap ng isang prinsesa
Hindi yung nakaupo sa tasa, pero yung habang buhay makakasama
Handa na nga ako noon humalik nag palaka, baka sakaling makatama

Nung dumating ka sa buhay ko ay nangarap uli ako
Na ika’y maging reyna sa buhay na aking gusto
Hindi inaakala parang nanalo ako sa lotto
Matamis na “oo” ang sa wakas ay natikman ko