Liham para kay Bb. Marj

24

Kamusta ka? Galit ka parin ba? Sobrang miss na kita, ako ba na mi-miss mo rin? Lagi kitang na aalala, ako ba na aalala mo rin? Hanggang ngayon larawan mo parin laman ng phone ko mula wall paper, lock screen at photos.

Hindi ko makakalimutan yung una kitang nakilala! Yung mga ngiti mo na sobrang tamis, mga mata mo na laging nakangiti rin na kapag tinitigan mo hindi halatang may mabigat ka palang dinadala. Nakaka-inis isipin na sinabi kong po-protektahan kita physically, emotionally and mentally pero ako pala ang magiging dahilan ng pagka-sira mo.

Hanggang ngayon pinipilit ko maging ok, pero sa totoo lang hindi! Ang sakit kasi na makita mong nasasaktan ang taong mahal mo pero wala ng mas sasakit kapag ikaw yung naging dahilan nito. Ito na ata yung magiging sagot sa tanong mo na “kapag wala kana mag stay parin ba ako”

Kaya may mga tanong na pumasok sa isip ko.

Mahal ba talaga kita? Kung mahal kita bakit kita nilaglag? 🙁

Mahal mo rin ba ako? Bakit parang di mo na ako mapatawad? 🙁

Kung plano ba ito ng Diyos para maging matatag tayo para sa isa’t isa?

Kung plano ba ito ng Diyos kasi baka hindi tayo para sa isa’t isa?

Isa lang ang panalangin ko sa mga oras na ito, na sana mapatawad mo ko kahit hindi mo na ako pag-bigyan ulit, patawarin mo nalang ako Marj masaya na ako dun pero kung bibigyan mo ulit ako ng chance! Hinding hindi ko sasayangin yun. Patawad, mahal na mahal kita at mag-aantay ako kahit alam kong parang wala na 🙁