I hate you

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sobrang nasaktan mo ako sa lahat ng ginawa mo. You asked for a breakup 10 days before my birthday after that day nakablocked na agad ako sa social media mo. Talagang tinapat mo pa sa birthday month ko nuh? One month before third year of our first convo during pandemic na ako yung naging way para maalis ka sa pagiging workaholic to cope up with your first breakup. On that day of our breakup, sinisi mo pa yung mga nasabi ko sayo that leads to your anxiety that affects your well-being hindi ba pwede labanan yun? Hindi ba pwede magpahinga muna? Yung pahinga na hindi ka magpapatanggal ng relationship status? Gulong gulo ako sa nangyayari eh. Tapos nafall out of love ka sakin kasi nafall kana pala agad sa iba. Ramdam ko namang lumayo ka and that week na puro ka what if, ginawa mo yun para mainis ako sayo ng sobra pero hindi eh kasi mahal kita, loyal at committed ako sayo I want to fix things between us pero nag give up ka agad. Ito pa ba sa dami ng nalagpasan natin? Hindi mo kinaya yung LDR natin pero ang pinalit mo LDR din? What? What happened? Sayang yung three weeks na ikaw yung iniisip ko nagaalala ako sayo na magisa ka I even messaged your Mom and friends kahit na wala kang naging pake sa side ko tapos may nagcocomfort na pala sayong iba. Ang galing mo din ha. Amazing ka dun promise. 👏 Para lang akong isang gamit na iniwan nalang ng ganun ganun lang. Friends after the breakup? Nandyan ka lang for me? Talaga ba? Para hindi masyadong mabigat sa pakiramdam mo? Or dahil weeks ago nasa moving on process kana? Diba naranasan mo na tong breakup na ginawa mo sakin? Diba mas alam mo dapat yung nararamdaman ko kung gaano kasakit? Anong nangyari sayo? Yung taong nagsabi na pwede kaba iclone? That’s fcking flirting di mo alam? Ikaw yung nagcause ng sobrang pagkaselos ko kasi sobrang bait mo sa kanya. Nagkaroon din ako ng anxiety dun at kung anu-ano pang negative thoughts because of what’s happening in my life like adjusting, demolition notice, work, school etc. Inaasar ka na pala sa workplace at committee mo na reretohan ka pero wala kang react na may girlfriend ka masakit yun ha. Ang daming flaws mo ang inaccept ko since our first year together kasi inaccept mo kung ano ako. Ang rupok mo din eh tapos ang impulsive ng decisions mo. Sobrang bilis ng nangyari, yung mga ginagawa mo sakin ginagawa mo na sa kanya. Sobrang sakit. Kung talagang may respect siya satin, hindi niya itatake advantage yung weakest point mo na maging kayo agad. It takes some time to heal. Samantalang ako hirap na hirap magmove on after the breakup, nagrereflect sa lahat ng ginawa at nasabi ko, nagruruminate kakaisip ng regrets. Nagmakaawa pa nga ako sayo eh, diba? Nagsorry sa lahat ng nasabi ko, sa lahat ng nagawa ko lalo na napressure kita because I just wanted to close our distance gap. Namimiss kita sobra especially our physical intimacy, ikaw ba hindi? Hindi mo nacommunicate recently ano yung mga hindi mo nagustuhan sa actions ko para macompromise ko sobra mo akong inspoiled na akala ko okay lang tayo kasi talagang okay ako sayo kahit hindi mo namemeet yung love language ko kausap lang kita gabi gabi masaya na ako. Tinatanong kita if may gusto kabang iopen up pero ang sabi mo lang pagod ka sa work so nirespect ko nalang yun. Same tayo na may career ka diyang winowork out at ako din dito, sabi mo nga power couple tayo diba? Sobrang binabaan ko yung self-worth ko kahit di ko yun deserved para lang sayo. Months ago sobrang makwento siya sayo kasi galing siyang breakup from a poser tapos naging love advicer ka niya. Sinabi ko pa na bawasan or iwasan magusap ng personal during working hours kasi baka maattached siya sayo. Alam mo bang hindi okay sakin yung ginawa mong ayaw mo magpakita ng conversations niyo kung wala naman talaga? For the first time of being together. Pero nirespect ko lang kasi sabi mo workmate lang kayo at sinabi mo pa na mas matagal pa kayo magusap kesa satin okay sige part-time yan eh tapos nagask ka if pwede ka ba magkaroon ng bestfriend na girl bakit di ba ako enough? Sinabi mo dati bestfriend mo ako tapos naging bestfriend kita open ako sayo sa lahat at naging vulnerable ako sayo pero ikaw hindi. Sa kanya ka pa talaga nagsasabi na bakit ganun yung actions ko bakit di mo nalang sinabi sakin kasi magkaibang tao naman kami? Nagpromise ka pa before na we will work things together no matter what happened kapag may problem tayo satin lang. Ang gago. Goodluck sa inyong dalawa, sana maging masaya kayo. Sana magkaroon kayo ng kahit kaunting konsensya sa taong sinaktan niyo ng sobra sobra. 😭

Song: traitor – Olivia Rodrigo 💔

Coping after the breakup: https://boilingwaters.ph/sana-12/?preview=true&_thumbnail_id=65209

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required