
Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Pero what if kapag bumalik ka? Kapag nagkita tayo somewhere ngingitian kaya kita? Ihuhug kaya kita? Or hahampasin kita sa inis dahil ang weak mo? Kunyari lang yung sinasabi kong di na kita iniistalk pero nalessen naman na. May kaunti paring feelings pero mawawala din to someday. Napakasentimental ko kasing tao kahit na small things galing sayo kinikeep ko. Grabe nuh iniwan mo nalang ako ng ganun lang na parang wala kang napromise ng ilang taon na parang wala tayong pinagsamahan guilty ka sa actions mo nuh? Parang pinatunayan mo lang na nagjowa ka para di magalala si Tita sayo na magisa ka someday. Sinabi pa nga ni Tita na “Hintayin niyo nalang mga soulmate niyo.” Yes, alam kong di naman siya boto sakin para sayo. Gusto niya yung “best” for you kasi anak ka niya. Tapos nung may nakilala ka sa part-time mo, sabi ko na based sa instincts ko na merong something sa inyong dalawa tapos bumigay ka talaga sa mga pangflirt niya kahit na binalaan na kita dati. Ang sama mo talaga sa part na yun. Dahilan mo lang yun na napagod ka sakin maling sumuko agad eh. Napromised mo pa nga na kahit anong mangyari hinding-hindi mo ako susukuan kasi mahal na mahal mo ako. Ilang taon din tayong nagwoworkout ng communication natin. Nagoopen up ako sayo diba. Natutuwa ka nga kapag nagsasabi ako sayo ng mga ganung bagay diba. Di bali alam kong mas kailangan mo siya especially sa startup at career mo kasi magkafield kayo. Alam kong mas magiging okay kayo compared satin. Alam kong mas mapapasaya ka niya. Alam kong mas matured siya sakin to handle things kasi may business siya. Sana kayo na talaga someday ang ikasal. Sana walang magcheat sa inyong dalawa or maulit yung ginawa niyo sakin. Salamat sa lahat ng naturo, mga first time experiences at mga alaala na kasama kita. Masaya ako na naging parte ka ng buhay ko nung pandemic pero kung papipiliin mo ako? Sana di nalang kita nakilala. Sana di ako nafall sa mga promises at traits mo. Sana naging mas careful ako sa pagpili ng taong mamahalin ko habang buhay. Pero dahil nandito na ito, these are lesson learned that will make me stronger. There are flaws to workout, baggage to resolved but the most important is I am me that there is someone na mamahalin ako kung sino ako, taong ipaglalaban ka, hindi madaling sumuko, matured, loyal at committed. Now, I will set boundaries and standards.