Nasanay ako sa mga araw na nandyan ka sa tabi ko na halos ayaw ko ng bumitaw kapag hawak ko ang mga kamay mo. Mga lapat ng labi mo na ayaw ko ng tigilan sa paghalik na alam kong pandalian lamang. Buhat ng araw na nakilala kita pakiramdam ko’y ikaw at ako lang. Mga araw na lumipas na puno ng ngiti at walang halong pighati na sana ay tuluyan ng manatili sa mga yakap mong kay tamis.

Mga oras na walang kupas sa mabilis na pagkumpas ng mga kamay sa mga sandaling lumilipas. Ayoko na sanang umuwi at Ayoko na sanang maging sawi sa mga oras na ikaw ang katabi. Akoy nakikiusap sa may kapal na sanay itigil ang sandali at manatili ka sa aking tabi. Puno ng bituin ang paligid nating puno ng imahinasyon sa mga sandaling ikaw ay nasakin. Mga yakap at halik na ramdam sa bawat sandali at unti unting sumisikip ang aking dibdib sa tuwing ikaw ay aalis.

Hinihiling ko sa may kapal na sanay hindi magising sa isang magandang panaginip at makasama ka sa mga sandaling ramdam ko ang mga paghinga mo na saking puso na imiihip. Mahal ko sanay mahagkan ka ng kaytagal at sanay tayo ay magtagal. Gabayan sana ng may kapal ang isat isang puno ng pagmamahal. Lagi mong tatandaan na wala man saiyong tabi ang puso naman natin ay magkatabi. Unti unting damhin ang pusong puno ng damdamin kay sarap damhin. Maghihintay ngunit hindi mangangalay sa higpit ng pagkapit sa puso kong sayoy nakakapit. Uulit uuliting alalahanin ang mga masasayang sandali hanggang sa ikay makapiling sa mga susunod na sandali at sanay manatili na lamang sa aking tabi.

-Jaja