Paasa

62

Wag mo ko sanayin
Dahil mahirap intindihin

Wag mo ‘ko sanayin
Baka ako’y mabitin

Wag mo ‘ko sanayin
Baka hindi ko kayanin

Wag mo ‘ko sanayin
Dahil mawawala ka rin

Wag mo ‘ko sanayin
Wag mo rin akong paasahin

Sana ay linawin
Para oras ay hindi sayangin

Sana ay linawin
Para kaya pang salbahin

Sana ay linawin
At wag nang paasahin

Sana ay linawin
Dahil puso’y pagod na rin

Sana ay linawin
Para tigilan ka nang mahalin

Itigil na natin to
Dahil nasasaktan na ako

Itigil na natin to
Dahil kalokohan lang ang lahat ng ito

Itigil na natin to
Dahil ako ang talo dito

Itigil na natin to
Dahil hindi naman ‘to totoo

Itigil na natin to
Tama na
Ayoko na