Akala ko ba wala na?
Akala ko ba tapos na?
Meron na siyang iba,
pero bakit ikaw ay patuloy na nasasaktan pa?

Ilang panahon mong pinanindigan,
Ilang pagkakataon na sinabi mong wala ka naman talagang nararamdaman.
Pero nung nakita mo na siya’y may iba tila bumalik kana naman sa nakaraan, nakaraan na ayaw mong balikan, nakaraan na puro sakit lang naman ang dala sa iyong puso’t isipan.
Sa pagaakalang ikaw sana yung kasama niya at kayo’y naglalakad ng magkahawak ang kamay at ang saya saya pa.

Akala ko’y malaya na..
Malaya na sa pagmamahal ko sa kanya,
Akala ko’y natauhan na..
Natauhan na hindi naman talaga siya.
Pero na nanatili pa din ang katotohanan na patuloy syang nagiging mahalaga At ikaw ay patuloy na umaasa kahit ang sakit sakit na.
Sana matapos na ito, Sana ang panalangin na maging puro ang pagkakaibigan ay maranasan na.