Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

To you who are in the midst of chaos. Standing firm on the narrow road at nahihirapan, pause for a while.

If feeling mo para ka nalang tumatakbo paikot ikot at hinahabol ang isang bagay na hindi mo maabot abot, baka time na for you to stop. Stop chasing your dreams on your own capacity.

Stop chasing those things na hindi meant for you. Stop visiting the picture of your past. Wag na nating balikan pa ang nakaraan. Don’t go back to the place where God freed you from. Wag mo nang balik balikan pa dahil mas masasaktan ka lang.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Inalis ka na ni Lord jan kapatid. Wag ka nang mag pumilit balikan pa ang mga bagay kung saan kana unang nasaktan. You’ll trap yourself.

Alis na kapag sinabi ni Lord na alis. Dahil kapag nag pumilit ka pang balikan at suuingin ang bagay kung saan ka nasaktan at ipag pilitan ang mga bagay na nais mo lang, patuloy kang masasaktan hanggang sa matuto ka na. If you will not free yourself sa ganung sitwasyon, dear torture na yon. Pinalaya ka na, wag ka nang bumalik pa dahil mas maganda ang plano Niya.

Stop running away from God. Instead run straight to Him.

Tama na sis. Wag mo nang takbuhan papalayo yung kung ano yung nakalaan at inilaan para sayo ni Lord.

Putulin ang dapat putulin, tapusin ang dapat tapusin. Stand firm. This time, gawin mo naman yung gusto ni Lord for you. Run straight to Him. Ilalaban Niya para sayo yung mga bagay na hindi mo maipaglaban sa sarili mo.

Wag mo nang takbuhan ang tinakda at plano ni Lord for you.

Kung ngayon ay tumatakbo ka papalayo, tigil ka muna sandali. Huminga ng malalim. Kumalma. Handa ka na ba?

Ngayon, simulan mong lumakad paunti unti. Hindi papalayo kundi palalapit sa Kaniya. This time, isama mo Siya sa laban. Laban nyo itong dalawa ni Lord. It’s a matter of faith.
“Fight the good fight of the faith. Take hold of the eternal life to which you were called when you made your good confession in the presence of many witnesses.”

  • 1 Timothy 6:12

Kapag alam mong nasa presenya ka na Niya at hindi mo na ipinipilit yung gusto mo lang na hindi mo naman kailangan at hindi naman para sa’yo, kapag alam mo na na ang laban na ito ay hindi lang ikaw kundi laban ninyo ni Lord, jan ka na mag start na tumakbong muli. Tumakbo dahil alam mong yung race na ito ay laban na ng faith mo.

Tumakbo ka dahil alam mong sa panahong ito ay kasama mo na Siya. Oh wag mo na muling iwanan si Lord ha? Tumakbo ka habang naka kapit ang kamay sa Kaniya. Tumakbo ka hanggang sa matapos ang karera. Lumaban ka gamit ang matatag na pananampalataya hanggang sa maabot mo ang dulo at sabihin Niyang

“Well done, my good and faithful servant”

Dahil sa karera ng buhay, hindi ka mananalo kung patuloy kang lalaban gamit lang ang buong lakas mo. Isama mo si Lord sa laban. Dapat lagi Siya ang nasa sentro.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required