Sa isang maulap na gabi, kung saan lahat ng nakikita ko nag lalampungan sa tabi.

Napapaisip ako ano nga bang kulang saken?
Baket hindi naging tayo?
Bakit hindi mo nakita lahat ng motibo na binigay ko?
Hanggang sa isinuko ko na lang lahat.

Hindi ba ko sapat sa mga idea ng perpektong pagibig para sayo?

Hindi nga siguro.

Baka mali lang ang pag kakaintindi ko sa pagkakaiba ng gusto at kaibigan lang ako sayo.

Baka mali lang ung pag kakaunawa ko sa ikaw lang ang natatangi sa paningin ko.

Baka ako lang ang nag iisip na hindi ka gago..

Natatawa ako sa sarili ko, baket sa dami ng tao na puede ko gawing perpektong ehemplo ng pagibig ikaw ang naiisip ko.

Dahil ba alam ko na sa lahat ng relasyong pinasok mo ikaw ang iniwan.

Oh dahil ba pag naging tayo hindi kita iiwan.

Isinuko ko na.
Pero baket andito pa din?
Bakit ikaw pa rin?
Bakit di ako makaalis sa kung saan inintay ko ang bawat pag balik mo sa buhay ko.

Hindi sya ang inaantay ko ikaw.
Hindi ako nag syota ng matagal na panahon para sabihin na inaantay ko sya magbago.
Pero ang totoo nito
Inaantay ko mag bago ang tingin mo sa pagkakaibigan na meron tayo.

….