Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mamahalin kita dahil mahal kita
Walang rason, walang dahilan kundi mahal lang kita
Yung pagmamahal na hindi maintindihan pero may kasiguraduhan
Pagmamahal na naka-angkla sa mga klarong nararamdaman

Mamahalin kita dahil mahal kita
Walang hanggan, walang humpay dahil nga mahal talaga kita
Yung pagmamahal na may direksyon at may patutunguhan
Pagmamahal na ang pundasyon ay pagtitiwala sa Maykapal

At dahil mahal kita, tanggap ko ang lahat sa’yo
Hindi ko na kayang baguhin ang nakaraan pero pangako, kasama mo ako sa bukas mong buo
Mamahalin kita hanggang sa mas malaki na ang nararamdaman mong pag-ibig kaysa sa naranasan mong sakit sa nakaraan mo

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Mahal kita, basta.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required