Pangako
Makahulugang salita
Nais tuparin
Ngunit hindi na yata kaya
Kulang lahat ng nagawa
Kulang lahat ng naipakita
Kulang sa lahat ng aspeto
Malayo sa isa’t isa
Tiwala’y wala na
Pagmamahal ay paubos na
Kung may natitira man awa na lang siguro

Maraming masasayang ala ala ang babaunin
Salamat sa masasayang sandali
Bawat pagtawa’y walang kasing saya
Salamat at pinaramdam mo sa akin
Na pwede pa palang mahalin ang isang tulad ko
Salamat sa mga bagay na nagawa para sa akin
Maraming salamat at nakilala ka
Sa panahon na nag doubt ako sa sarili ko
Nanjan ka palagi,

Mahal na mahal kita
Pero ang sakit na kasi
Tao lang din ako
May pakiramdam
Nasasaktan
Patawad kung sumuko ako
Patawad kung hanggang dito na lang ako,
Patawarin mo ako
Iloveyou goodbye