Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sorry. Alam ko na kasalanan ko, lahat. ‘Di mo alam na I always blame myself for everything. At pang-ilang beses ko na sinasabi ‘yun. It’s not your fault obviously. It’s mine. Because it is a part of who I am. Lahat ng kapalpakan ko bumabalik sa akin, lahat ng kinatatakutan ko sa relasyon na ‘to ay bigla bigla kong naiisip. And by that, I can’t stop thinking na hindi. Hindi mo deserve yung ganitong katulad ko. The fact na gusto ko bumalik ang tayo, natatakot na ako. At the same time, namimiss kita. Sorry, mahina ako. Sorry ganito ako. Sorry kung nababother ka na rin sa pagkakawalang kwenta ko. Sorry kung nasaktan man kita, sorry sa ugali ko. Pinagpapasensya ko lahat. But all I’m saying is hear me out will you? Hindi ko na kilala ‘tong sarili ko, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil nawalan ka na ng gana sa relasyon natin. Ngayon, part of me gustong makipagbalikan, part of me misses you… But I just can’t…

You deserve someone else who’s not like this. Sorry kung sinabi kong sa akin ka lang. Ayaw ko na rin nababother ka nang ganito. Ayaw ko nang muling magalit ka at maistress sa relasyon na ganito. Ayaw ko nang magkaroon ka ng partner na immature tulad ko. Kaya sa bawat oras na naiisip ko makipagbalikan sayo, those reasons keep telling me na, “Huwag na, maawa ka na. You’re not fit in this relationship kahit anong ipangako mong pagbabago, patuloy ka pa ring magkakamali, patuloy mo pa rin siyang sasaktan in a way na masasaktan ka rin.”

Patawad…

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Photo by: Delfi Carmona

Send me the best BW Tampal!

* indicates required