Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

To the love I had to let go,

I do not want to assume that you are okay but I am wishing you well.

Ang dami na nating pinagdaanan, pagguho at pagkabuo, pagkadapa at pagbangon, pagkabigo at pagsubok muli, kaya siguro palagi kitang gusting kumustahin kapag gusto ko na sumuko.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hindi ko man lang nasabi sayo na gusto kita.

Natakot kasi ako na baka umiwas ka o lumayo kapag inamin ko sa’yo na gusto kita. Hindi na ako naglakas-loob. Baka kasi, kapag lumayo ka o umiwas, wala na akong matatakbuhan kapag gusto ko nang talikuran ang lahat.

Naisip ko lang noon, mas kailangan ko ng kaibigan at hindi ng pag-ibig.

Ang katuwiran ko kasi, kung sa’yo e sa’yo pa rin. Babalik ka rin naman sa akin kasi sigurado ako sa’yo at sa nararamdaman ko. Ilayo ka man ng tadhana, baka bukas, nandiyan ka na ulit. Bata pa nga ako noon. Takot akong mawalan ng kakampi, kaagapay, at tagasalo.

Ngayon, hindi na kita magawang mabawi. Hindi ko na mahatak pabalik ang panahon. May iba na.

Iba na ang kasama mong humarap sa hamon ng buhay. Iba na ang kahawak mo ng kamay. Iba na ang sinasandalan mo tuwing binubuwag ng pagkakataon ang mga pangarap at magandang bukas na pilit mong binubuo.

Ngayon, lumipas na ang ilang taon, ikaw pa rin ang paborito kong kakampi. Binuo na tayo ng kabiguan kaya mas gugustuhin kong makita kang manalo at maging masaya. Hindi man ako ang kasama mo, pipilitin kong sumang-ayon na lang sa tadhana.

Sinusubok pa rin ako ng buhay, mas madalas na nga lang akong natatalo at nabibigo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required