Taong nandyan sayo sa oras na siya’y kailangan,
Gabay sa tuwina kapag ika’y patungo sa kawalan.
Siya ang taong kaya kang ipaglaban,
Sa mga taong ika’y inaapi at kinakalaban.

Kanyang kamay ay laging bukas,
Handang hawakan ka at maging iyong lakas,
Kaagapay sa tuwina sa problemang malalim ang bakas,
Hindi ka iiwan hanggang sa wakas.

Pagmamahal niya sayo’y totoo,
Hindi nauubos, hindi nagbabago,
Talikuran ka man ng buong mundo,
Siya’y mananatiling kasama mo.

Mas mabuti pa nga ang isang kaibigan,
Ikumpara mo sa iyong mga naka-IBIGAN,
Di ka paluluhain, di ka bibiguin, at di ka sasaktan,
Ngayon, bukas, at magpakailanman.

○Zkye
♡ND, USA

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official values or position of Boiling Waters PH. Assumptions made within the analysis are not reflective of the position of any Boiling Waters PH entity.