Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Malayo tayo sa isa’t isa. Habang ikaw ay mahimbing na natutulog, sasalubungin ko naman ang isang umaga nang may ngiti. Oo may ngiti, dahil alam kong may nagmamahal sakin mula sa malayo.

Hindi man kita kasama ngayon asahan mo na kasama ka sa mga prayers ko. I will ask Him to guide you wherever you go.

Hindi mo man marinig ang boses ko na nagsasabing ‘Goodluck mahal ko! Kaya mo yan!’ I will ask God to bless you always.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Wala man ako sa tabi mo kapag may mga pagsubok ka sa buhay, hindi ko man mapunasan ang mga luha mo, o kaya ay makinig sa mga hinanakit na nararamdaman mo, I will ask God to give you strength.

Marami pa tayong pagdadaanan at maaring dumating yung araw ng hiwalayan. Pwedeng pagod ka na o ako sa sitwasyon nating ito. Ipangako mo at patunayan mo na hindi ka susuko. Na hindi mo ko bibitawan kahit na anong mangyari.

Isipin at balikan natin kung paano ba nagsimula ang lahat. Balikan mo yung mga araw na mahal mo ako. Babalikan ko naman yung araw ng pagpili ko sayo kaysa sa kanila.

Siguro sa paraang yun malalaman natin ang dahilan kung bakit nandito tayo sa kung ano man ang mayroon tayo ngayon.

Hanggang sa muli nating pagkikita at pagsasama, mamahalin kita.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required