Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Multo ka ba?
Kasi puro ka lang paramdam
Pwede bang magplano ka naman?
At nang ako’y di naguguluhan

Multo ka ba?
Kasi bigla ka lang nagpapakita,
Nagpapakita ng motibong interesado ka.
Pero bakit sa isang kisapmata, naglaho na parang bula.

Multo ka ba?
Kasi ako’y natatakot,
Natatakot na lalong mahulog ng tuluyan
Tapos sa huli, di naman kayang panindigan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Multo ka ba?
Kasi bigla kang sumusulpot,
Sumusulpot sa aking diwa’t isipan
Nakakalungkot lang, sa huli bigla kang nang-iwan

Multo ka nga,
Na hanggang paramdam lang,
Walang pulidong plano para ako’y panghawakan
Sana’y tuluyan ka ng lumisan
At nang itong puso ko’y meron ng kapayapaan.

Paalam, nawa’y mamahinga ka na ng tuluyan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required