Madalas pag katapos ng break up,

Feeling naten hindi tayo sapat.

Hindi tayo sapat sa isang pangarap na binuo nyo nung panahong pag ibig nyo pa ay tapat.

Nung mga panahong akala nyo ang lahat ay dapat, Tama at Higit sa lahat ito ay sapat.

Sapat upang hindi mabuwag.

Sapat para hindi maghiwalay.

Pero naisip mo ba kung noon ung sapat para sa dalawa ay humigit pa ng isa?

Ung hindi mo inaasahang may kasabay ka sa kaligayahang inaakala mo ay sapat lamang sa inyong dalawa. Kayong dalawa.

Pero bakit ganon.

Ikaw parin ang nag iisip na hindi ka sapat kahit na alam mo sa sarili mo na ibinigay mo ang lahat.

Ibinigay mo ang bawat luha, pawis upang sagipin ang pagibig na akala mo ay sapat para sa taong buong akala mo ay tapat.

Kelangan di ikaw ang mag tanong kung bakit hindi ka sapat.

Dahil kahit sa tingin mo hindi ka man sapat.

Hindi parin ikaw ang unang bumitaw sa pangakong

Ikaw lang sapat na.

Ikaw lang walang iba.

Hindi sa hindi ka sapat.

Hindi lang sila kuntento sa isa para ikaw lang sapat na.