Bakit may mga ex na masyadong papansin?

Mga ex na may string attach padin

Sa ex jowang sya mismo ang nang bitin,

Sa ere pinabayaan lang naman din

 

At ngayun, kung saan nakahanap na nang ibang iibigin

Saka mo ngayun hahabol habolin

Anuh ba? Tanga ka lng bah talaga?

Or ayaw mo lang talaga syang maging masaya?

 

Iniwan mo na sya diba? Oh ba’t ngayon hahabol habol ka pa?

Ewan ko ba, kung saan ka kumukuha

Nang lakas nang loob at kakapalan nang mukha

Nakita mo na ngang masaya sya sa iba, e-eksena kapa!

 

Bakit kasi ‘yong nasa iyo pa, di mo iningatan nang subra?

Minahal ka naman nya at minahal mo sya

Pero ikaw ang kusang bumitaw diba?

Bakit di mo nalang pabayaang sya ay sumaya

 

Ngayon magpaparamdam ka at sasabihin mong nagsisisi ka

Sa lahat nang iyong mga nagawa, tumigil ka! Sa akin masaya na sya

Wag ka nang manggulo, kasi kahit anong gawin mo,

Hindi na magbabago, na sya na ay pagmamay-ari ko

Merong sya at ako, ikaw ngayun ang talo!

Kung talagang sya’y mahal mo, hahayaan mo syang sumaya sa piling ko

 

Sana noon pa, kung saan lubos ka nyang kailangan

Pero nasaan ka nang mga panahong ikaw ang kanyang inaasahan?

Nandoon ka sa kanyang kaibigan nagpapasarap sa ibang kandungan

Ngayun mo sa akin sabihin at patunayan na di mo sya iniwan

 

Kailanman di ko sya susukuan at patuloy kong ipaglalaban

Pag-ibig na aming nasimulan, hindi ko sya iiwan gaya ng iyong pag iwan

Kaya tanggap tanggap nalang, huli na ang lahat at wala ng kahahantungan

Kung iyong ipaglalaban, dahil wala ka nang babalikan

 

Itigil na natin to, kasi sa huli alam mo ikaw lang din ang talo

Payo ko lang sayo, sa susunod na makahanap ka nang bago,

Ingatan mo, at mahalin nang todo, iparamdam mong syang ang bubuo

Nang buhay mo, para sa huli’y  di mo pagsisihan ito

 

Nasaktan ka man, at least binigay mo ang buong pagmamahal mo

Iiwan kaman nya pero mag iiwan ka din nang isang magandang alaala

Na kailan man di nya malilimutan hanggang sa pag tanda

Na ipinaramdam mo, kong paanu mag mahal nang totoo

 

Ganyan ang sekreto, sa pagmamahalang totoo

Magmahal ka nag walang kapalit kagaya nang pagmamahal ko

Naipinaparamdam sa ex mo, kaya itigil na natin to,

Kasi sa huli alam mo ikaw lang din ang talo