Alam ko minsan mo na din natanong kung “siya na ba”.

Pero wait, bakit …
Anlakas mo magtanong kung SIYA NA BA eh ang bata bata mo pa

Anlakas mo magtanong kung SIYA NA BA eh di mo pa siya lubusang kilala

Anlakas mo magtanong kung SIYA NA BA eh baka dahil gwapo/maganda lang siya kaya nagustuhan mo siya

Anlakas mo magtanong kung SIYA NA BA eh nung nakaraan tinanong mo din yan sa isa

Alam ko may nararamdaman ka na sa kanya, na nagugustuhan mo na siya.
You love everything about that person na parang nagiging special at importante na siya sayo.
Alam ko din na nagnanakaw ka ng tingin sa kanya. Vinivisit mo timeline niya, tinitignan my day niya at nililike ang post niya para lang magpapansin sa kanya, diba ?

Bes, kapag may nararamdaman ka sa isang tao hindi laging sugod dapat muna ay luhod. It means itanong mo sa Lord kung tama ba yung nararamdaman mo o nadadaya ka lang ng emosyon mo. Kaya ka nasasaktan eh kasi sugod ka ng sugod, dapat ihanda mo sarili mo para diyan.
Maghintay ka kasi muna ! Maghintay ka hanggang sa mabago ka, maging matured ka, mag grow ka at maging better version ka ng sarili mo. Maghintay ka hanggang sabihin ng Lord na siya na saka ka sumugod kasi sa time na yon alam ng Lord na handa ka na. I believe great things happen kapag nakahanda ka sa isang bagay.
Bes, you must guard you heart and to wait because everything has its perfect time.

Waiting is not easy, pero its worth it lalo na kung napaghandaan.

May plano si Lord sa buhay mo, higit kaysa sa plano mo.
Kanino ang pipiliin mo ?