NAGSIMULA ANG LAHAT SA ISANG DI INAASAHANG PAGKIKITA

TILA BAGA NA MISS NATIN ANG ISA’T ISA

NA KUNG TUTUUSIN DI NAMAN TAYO MADALAS MAGKITA

MATAGAL NA TAYONG MAGKAKILALA PERO NI HINDI PA NAG BONDING TALAGA

 

SA AKING PAGBABALIK TANAW, SA ISANG BESES NA PAGKIKITA,

NOONG TAYO’Y NAG-AARAL PA, KASAMA ANG IYONG BARKADA,

NAPADALAW SA LAMAY NANG LOLO NG KAIBIGAN KO,

IKAW AT ANG KAIBIGAN MO, NAGKITA-KITA TAYO

 

SA MGA PANAHONG IYON IKAW SA AKIN AY NAGPAPARAMDAM NA

KAHIT NA ILAG AKO SAYO PAGKAT DATI MONG KASINTAHAN KAIBIGAN KO PA

GUSTO KITANG IWASAN, NGUNIT NANG IKAW AY MASILAYAN

NUNG GABING YAON AY PARANG PANAGINIP, GUSTONG MAALIMPUNGATAN

 

NGUNIT HINDI, TOTOONG NANGYAYARI ANG BAWAT SANDALI

HAWAK HAWAK MO ANG AKING KAMAY MAY PINASOK SA’KING DALIRI

NANG AKING TINGNAN, SA AKING MGA KAMAY SINGSING MONG LAAN

ITO’Y PARA SAAN? ANG TANUNG KO, SING SING TANDA NANG AKING PANGAKO,

 

IYON ANG PINAKAUNA AT HULING PAGKIKITA NATIN SINTA,

MAKALIPAS ANG ANIM NA TAON, MULI TAYUNG NAGKITA

NAWALAN MAN TAYU NANG KUMUNIKASYUN,

PATULOY NA BUMABALIK BALIK NAMAN ANG PAGKAKATAON

 

PILIT KITANG INIWASAN, SAPAGKAT MAY KANYA KANYA NA TAYUNG KASINTAHAN

NGUNIT LAGI KONG NABABALITAAN,

NAWALA NA KAYO, IKAW ANG SUMUKO

PATULOY ANG PAG KONTAK MO, NGUNIT AKO NA MISMO ANG KUSANG LUMAYO

 

DUMAAN ANG MARAMING TAON, NANG MABALITAAN KO

NANGIBANG BANSA KA UPANG MAGTRABAHU

NASA IBANG BANSA DIN AKO, NANG MABASA KO ANG MGA MENSAHE MO

SUBRANG DAMI, HALOS BUWAN-BUWAN MONG NAPUPUNO ANG FILTERED MESSAGES KO

 

UNTI UNTI KONG NAAALALA, MGA PANAHONG LUMIPAS SINTA

TILA AKIN NANG NAKALIMUTAN, DAHIL NGA SA PAG-IISIP NA TAYO’Y DI NAKALAAN

PARANG TAYONG PINAGTAGPO PERO DI TINADHANA,

AT PINAGSAMA NG PAGKAKATAON NGUNIT HINDI ITINAKDA

 

AKALA KO AY WALA NANG PATUTUNGUHAN, PAG-IBIG NA DATI’Y NASIMULAN

PAG-IBIG NA HINDI NATIN MAGAWANG SIMULAN, NAUUDLOT KADALASAN

AKO ANG UNANG SUMUKO, AT AKO ANG TALO

NGAYON MASAYA KA SA PILING NYA NA DAPAT AKO

 

HANGGANG SA AKO’Y BUMALIK SA LUPANG SINILANGAN KO,

UNTI UNTING BUMABALIK ANG KUMUNIKASYON KO SAYO

PALAGI TAYONG NAGTATAWAGAN NA PARANG DI NA NAMAMALAYAN

ANG MGA ORAS NA NAGDAAN, KAUSAP KA NANG MAGDAMAGAN

 

HANGGANG SA AKING NAPAGPASYA, SA IBANG BANSA PUMUNTA

NANG MABALITAAN MO, BATID KO ANG SUBRANG SAYA MO

MAGKITA TAYO PAG DATING MO DITO, SABI MO

TITINGNAN KO KUNG DI MALAYO, MAGKITA TAYO

 

ANU NAMAN KONG MALAYO? KAHIT GAANU PA KA LAYO PUPUNTA AKO

PUPUNTAHAN KITA, PARA LANG MAKITA KA

TALAGA LANG HA! PAG IKAW DI PUMUNTA

MAGTATAMPO AKONG TALAGA

 

AT NANG NASA IBANG BANSA TAYO’Y MULING PINAGTAGPO

MAGKAISANG MULI ANG ATING PUSO

EWAN KO BA NANG UNA KANG MAKITA,

PARANG SUBRANG MISS NA MISS NATIN ANG ISA’T ISA

 

AT DOON NA NAGSIMULA, ANG DATING BIRUAN LANG

NA NAUWI SA TOTOHANAN,

NAGSIMULA ANG ATING BAWAL NA PAG IIBIGAN

SAPAGKAT SA PANAHONG IYON IKA’Y MAY KASINTAHAN

 

ANG DAMI MONG SAKRIPISYO PARA MAPUNTAHAN LANG AKO

KAHIT PAGOD NA PAGOD KA GALING TRABAHO

AT SA SUBRANG LAYO APAT NA ORAS BINABYAHE MO

DI INIINDA KAHIT KULANG ANG PAHINGA AT TULOG MO

 

ISANG BESES SA ISANG BUWAN, KUNG AKO’Y DALAWIN MO

ARAW-ARAW KANG NA MIMISS SA TUWING UUWI KA SINTA KO

ILANG BUWANG GANYAN ANG SET-UP NATIN

NAKUKUNTENTO SA MGA BAWAT SANDALING PINAGSASALUHAN NATIN

 

HANGGANG SA ATING NAPAGPASYA, SAYO AKO’Y SUMAMA

ATING UUMPISAHANG BUMUO NANG PANGRAP NA MAGKASAMA

LAGI SA TABI NANG BAWAT ISA, SA HIRAP MAN O SA GINHAWA

TAYO’Y NAGSAMA KAHIT DI NAMAN TAYO MAG ASAWA

 

PINATULOY PARIN NATIN PERO ALAM NATING MALI, PANGAKO SA ISA’T ISAY MANANATILI

NAGAWA NATING IPAGLABAN, SA KABILA NANG ATING PINAGDAANAN

DAMING TINIIS HIRAP AT SAKIT NA NARAMDAMAN

NAGAWA NATING IPAGLABAN, PAG-IBIG NA SA MALI NAUMPISAHAN

 

HANGGANG NGAYUN, PATULOY NA IPAGLALABAN

 SA KABILA NANG MGA TAONG TUTOL SA ATING PAGMAMAHALAN

SA KABILA NANG KANILANG PANGUNGUTYA, NAGPAKATATAG TAYO

NA BAGAY SANA TAYO NGUNIT MARAMI TAYON NASAKTANG TAO

 

SELFISH MAN TAYO, IYON ANG INIISIP NANG KARAMIHAN

HINDI ALAM KONG ANU ANG KATOTOHANAN

ANG TOTOONG KWENTO SA LIKOD NANG ATING PAG IIBIGAN

MALI MAN KONG ITURING NANG IILAN, PATULOY TAYONG LUMABAN

SANA WALANG BIBITAW ISA SA ATIN, MADAMI PA TAYONG LABAN NA TATALUNIN

 

AT PATUTUNAYANG, SA MALI MAN TAYO NAGSIMULA,

TATAPUSIN NATIN ITO NANG TAMA