I really miss you Patty. Sobrang nalulungkot lang ako ngayon, pero hindi na ako masyadong nasasaktan. Tanggap ko na e. Yun lang, mahal padin kita. Hindi ko alam hanggang kailan to. May part na masaya, especially pag naaalala ko yung mga good times na mag kasama tayo. Binibilang ko, hindi naman pala sobrang tagal na nakalipas simula nung nag confessed ako sayo. Pero puta sa loob ng maigsing panahon na yun, sobra sobra akong nahulog at napamahal sayo. Ngayon mag isa ako dito sa dorm ko, sobrang nalulungkot ako. Namimiss ko family ko at syempre ikaw. Namimiss ko yung mga late night talks natin. Mula pag kagising mo sa gabi hinhintay na kita. Mag kausap hanggang makauwi ka from work, tsaka kita sasabayan matulog. Yung late nights din na pag punta ko sa inyo just to see you. Mag lalaro tayo or tatambay sa bahay nyo habang nanunuod ng Big Bang Theory at kumakaen ng McDo. Ang daming mga bagay na nag papaalala sakin sayo kasi you’re not a boring person. Ang daming mo mga interests sa buhay, ayaw mo nga lang sa tao at magagala. Araw-araw akong nag babasa sa Quora at Google about introvert personality para lalo pa kitang makilala at malaman paano makitungo sayo.

Sabi mo hindi pa naman kita masyadong kilala. Wala naman sakin yun. Kung iaallow lang ng panahon at pagkakataon, gustong gusto pa kitang makilala ng lubusan. Naisip ko nung time na sinabi mo sakin yun, kaya kong tanggapin lahat, good or bad qualities and habits okay lang. Never kitang jinudge even after sa lahat lahat ng kinuwento mo sakin about yourself. Ganun kita kamahal. Kahit nga ngayon na hindi ako pinili mo eh, mahal padin kita. Kahit alam kong ginamit mo lang ako, hindi ako nagalit sayo kasi mahal na mahal kita. Hindi ko tinatanggap yung mga sinasabi ng mga kaibigan ko na hindi mo talaga ako mahal. Basta sinabi mo na mahal mo ako, paniniwalaan ko yun Patty.

Ang dami kong thoughts na umiikot ikot sa utak ko kaya eto, gumagawa ako ng sulat sayo. Ayaw kitang makalimutan. I want to cherish this bitter sweet feeling kasi part to ng life experience ko. Balang araw, mababasa ko to lahat and I’m sure mapapa smile na lang ako. Kahit halos lahat ng mga letters ko to you ay malungkot.

I hope someday mag kausap at magkita padin tayo. I’m still here for you. I love you so much

 

– Laura