Para sa taong INIWAN ko.

157

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

My story is not yours. Don’t deceive yourself from thinking that you aren’t enough. Sapat ka, yung sarili ko ang hindi. Hindi ko na kayang lumaban pa sa gyera na hinding-hindi ako mananalo.

Lagi mong tatandaan na hindi mo ako kayang punan. Hindi ikaw ang kokompleto sa akin. You cannot fill the void in me that you are not capable to fill.

Noong sinabi kong hindi ko ramdam ang pagmamahal mo, it is because that is not my reality. The only real thing I know is the pain that I have. I lose the ability to trust and the ability to know what is true.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hindi ikaw ang kailangan ko, kung hindi ako nagdesisyon para sa sarili ko, pareho nating pagsisisihan na nakilala natin ang isa’t-isa. We were not supposed to fix each other. We were just both used, to let each other show na hindi tayo makokompleto ng mga bagay na akala natin ay tama.

Hurt people, hurt people; ika nga. My pain is what I keep showing you, at yung pagmamahal mo ang nagtulak sakin palayo, palayo sayo. Hindi ko kayang paniwalaan ang pagmamahal na kahit kailan di ko pa naranasan.

But, the same love was what help me to strive and become a better person. You just showed me what I am incapable as for now, so I decided to work on myself, with God guiding me.

Ayokong nasa tabi kita at naghihintay habang binabago ako ng panginoon, you will just be a distraction for me. Nakakapressure na may taong naghihintay sa akin habang inaayos ako. Nangako ang Diyos na hindi ka niya pababayaan habang ginagamot niya ako, and I trust him with your life.

Soar high, build new dreams, conquer this hurt and be renewed by God.

At kung nilaan niya talaga tayo para sa isa’t-isa, pangako, hindi na magiging masakit.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required