Tuwing gabi bago matulog at bawat umagang paggising ikaw lagi ang pinipili ko

hindi ko inasahan na mahuhulog ako ng ganito kalalim

tila ba’t nadikit na ang aking puso’t isipan mula sa iyo

nguni’t bakit ngayo’y naiwan akong nag aantay  mula sa mga tanong na para bang wala ng kasagutan pakiwari ko’y ang mga magandang pangyayari na akala ko’y wala ng katapusan ay naging isang panaginip lamang at ako’y nagising na mula sa mahimbing na pag kaka idlip

hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagbago ang lahat sa isang iglap lamang

maaaring hindi sapat ang pagmamahal mo sa akin upang ipagpatuloy ang mga bagay na iyong nasimulan

ganun pa man nais ko lamang magpasalamat,salamat dahil sa akala ko’y hindi ko na kaya magmahal,salamat dahil akala ko’y manhid na ang puso ko,salamat at nabuksan mong muli ang puso kung nahinto ang pagtibok ng matagal na panahon ,kahit gaano man ito kasakit

hindi ko alam kung paano ako magsisimula upang ika’y kalimutan

pero sa ngayon hahayaan ko na muna na lumipas ang panahon at hayaan na baka sakali masabi mo din sa akin ang mga bagay na nais kung malaman

at kung hindi na dumating ang araw na yon,masakit man ay maluwag kung tatanggapin

kung sakali man na magkrus ang landas natin ng di inaasahan,sana makaya pa din nating ngumiti sa isa’t isa at maalala mo na minahal kita ng totoo.

oo mahal kita at minamahal kita sa paraang kahit ako ay hindi ko inakala

you were my greatest hello,my favorite almost and my hardest unofficial goodbye🥰🥰🥰