Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Babaeng Mababa Ang Lipad

I have a boyfriend and almost 4 years na kame, of course may mga ups and downs madaming struggle na kaming na encounter. Pero kahit ganon nanatili kame together, I dont know kung love pa ba yung nararamdaman ko o talagang tanga lang ako kase ilang beses nako niloko pero hindi ko padin mabitawan. In our first year as a couple meron na agad ibang babae, nakipag break ako then pumayag naman siya. Nagkikita sila nung babae alam ko, pinupuntahan niya sa bahay. Masakit saken kaya hanggat kaya ko pa non ako na yung bumitaw, then after weeks na wala nakong paramdam ewan ko kung hinahanap niya ko o nakukulangan siya sa buhay niya ng wala ako, nakipagbalikan siya, pinuntahan ako then usap, tinanggap ko parin naging okay ulit kame. Then, nagpatuloy relationship namen, masaya, minsan nag-aaway pero naaayos naman. Okay ako sa family niya nakakausap ko mga pinsan niya, close kame ng ate niya kilala din ako ng mga tito and tita niya. Then after our second anniversary 1 month from our anniversary tinanong niya ko kung masaya pa ba ko, then ako naman nararamdaman ko na ayaw niya na. Kung ako kase tatanungin kahit madami kaming pinagdaanan na pangit masaya ko at siya yung kasama ko. Pero hindi na daw siya masaya, wala akong choice pinakawalan ko na. After non, okay naman buhay ko may nagtry agad ligawan ako then sinabe ko yung past ko and sabi ko di pa ko ready ayoko muna pumasok sa isang relasyon, okay naman until one day kinukulit niya nako na sagutin ko siya pina stop ko nalang kase alam ko sa sarili ko na ayoko pa talaga pumasok sa relasyon. Months after, nakikipag balikan sakin ex ko, pinuntahan ako samin gabe. Tumawag lang unknown number then nung nagsalita di ko talaga natandaan boses niya sabi niya pa nga ‘hello, andito ko sa labas niyo gusto kita makita’ then nagulat ako kase di ko kilala pero nung paglabas ko siya pala. Unang kita ko sakanya sobrang payat niya, may girlfriend pa siya non pero sabi niya ayaw niya na daw don sa babae kase hinahanap niya lang din daw ako don. Yes, may babae ulit. Nakipag break siya sakin para sa babae na yon nakailang months naman sila siguro tinatry niya kung magwowork kaso wala daw. Hindi daw talaga kayang pantayan yung kung anong meron kame. Matagal bago ko tinanggap ulit, nag-uusap kame pero wala ng label. Casual lang, then lumipas ulit yung isang taon nag anniversary ulit and after 6 months from our anniversary eto na yung bumago sa lahat. Nagrereview ako sa manila so LDR kame, nahihirapan siya kase nasanay siya na pag gusto niya ko makita andon lang ako. Nagcelebrate kame ng anniversary october 14, after days nararamdaman ko na merong iba, hinayaan ko lang pero hindi nako nakakatulog ng maayos kase ramdam ko na sira nanaman kame. One time nagpaalam siya saken pupunta sila ng san jose with his batchmate ayoko sana pumayag pero hindi ko siya pwede pigilan kase buhay niya yon, nung araw na yon magkatext pa kame nireremind ko pa siya na wag siyang marupok pag may lumapit pilitin niya iwasan. Mga 2:40pm hindi nako nagtext and HINDI NADIN SIYA NAGTEXT, then nung 9 pm tinatawagan ko using my brothers phone, walang sumasagot. Nakatulog ako ng walang text from him, then kinabukasan nagising ako 4 am in-open ko yung new account niya sa facebook yung ayaw niya ipaalam saken then boom! Nakita ko yung picture nila nung girl sobrang close, mga 7 am may nagchat saken yung kapatid ng tinuluyan nila, then tinatanong kung ako ba yung kasama niya napaisip ako sabi ko ‘ate, andito po ako samen’ tas ayon kwento about dun sa girl natulog sila sa iisang room ng dalawa lang sila. Inamin naman din ng boyfriend ko na may nangyare natukso daw siya. Then tumawag yung girl nag eexplain, sobrang baba ng tingin ko sakanya unang pagkikita nila binigay niya agad yung katawan niya. Then nagchachat saken yung girl using dummy account and sabi siguro daw mas masarap siya, wala daw pangalawa kung mahal yung una. Kung anu-anong kabastusan. Break na kami nung guy ngayon, naiintindihan ko siya were only 20 and gusto niya pa iexplore yung buhay niya. Masakit pero naiintindihan ko. Sa girl Hi Hanna ngayon ko lang napatunayan na may ganyan pala talagang babae, sana pag seryoso ka na sa buhay mo wag dumating yung time na sayo naman mangyare yung ginawa mo. Sinira mo ng dahil sa isang gabing init ng katawan yung almost 4 years ko inalagaan. Hope someone came into your life and help you realize how bad yung nagawa mo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required