Dear you,

Thank you sa lahat ng pinaramdam mo sa’kin kahit ngayon alam ko na na ako lang talaga nagbigay ng meaning sa mga yun. Thank you pa rin kasi I felt special, somehow, on those times. Thank you for making me realize that despite all the past disappointments with men, you made my dormant heart alive again. That I could possibly fall in love again, even after a great disappointment. I felt happy nang nalaman ko na kung ano talagang status ko sayo, para akong nakalaya. Nawala na kasi un mga tanong sa isip ko pati un mga hopes ko, at least, ile-let go ko na. Masaya ako na sa kabila ng rejection, nanatili yung friendship, which before, I was afraid to lose. Hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit di ako masyadong nasaktan or before pa lang kasi siguro ako umamin, nai-ready ko na sarili ko sa posible mong isagot. Grabe ka talaga, you even made me realize na I’m stronger than ever, haha! Thank you talaga.

Nakita ko kung gano kang nasaktan sa mga nangyari sayo last year. Kaya nga nun mga panahong yon, pinagdasal ko na sana hayaan ako ni God na ako na lang mag alaga sa puso mo, kasi hindi mo deserve un pain na nararamdaman mo non. I felt your pain, gusto kitang tulungan kaso wala ako sa lugar or hindi ko alam kung paano ko gagawin yun. Sorry kung wala akong maitulong that time. Pero tapos naman na yun. Nakikita ko naman ngayon na ok ok ka na. Masaya ako dahil kahit papaano nakaka-recover ka na sa mga nangyari.

Ayun, lagi mong tatandaan na andito lang ako kapag kailangan mo ng kausap. Na may isang kaibigan ka na handang dumamay sayo may beer man o wala haha! Mahal kita eh, ganon akong klase ng kaibigan. Know that I’m always here for you.

Kung noon, pinagdarasal ko na sana tayo na lang dalawa ang ibigay ni God sa isa’t isa, ngayon, ang ipagdarasal ko na ay yun makilala na natin un mga taong nilaan Niya para sa’tin.

Love,

Me