alam mo yung pakiramdam na nakakasawa na yung paulit ulit kang nagpapakilala?
nakakapagod paulit ulit ng nagtitiwala,
pero bandang huli wala ring kwenta?
ikaw din ba yung tipo ng tao na mayroong pananaw na napakahalaga ng panahon?
kaya di ka pabor sa panandaliang relasyon?
Oo, kapag nasanay kana din naman madali na para sayo ang magpatuloy mula sa tinapos mong kwento katulad sa librong binasa at tinapos mo.
Pero diba kung ung dahilan mo lang kung bakit binasa mo yung libro na yun ay dahil maganda ang cover ng libro o naengganyo ka dahil sa titulo ng kwento ng hindi mo pa binabasa, diba maiisip mo din nakakapang hinayang ung oras na inilan mo sa pagbasa nun na dapat pala nilaan mo nalang sa iba pang mas okay,baka dun sa ibang libro mas maganda ang kwento at maiisip mo worth it ang oras mo.
Pero ganun talaga siguro, God’s will.
Kelangan natin maging matapang,sa pag mamahal oo tanga ang lahat.
Pero kelangan mo kasi matuto,so para malaman mo ung tamang tao para sayo dadaan ka muna sa mga maling tao para matuto ka at kapag nakaharap mo na yung tamang tao para sayo eh handa kana.Prepared kana.
Wag mo sisihin ang sarili mo kung bakit parang palagi ka nalang naloloko,wag mo un gawing dahilan para maging bitter ka. Ibigay mo lang ung geniune love, wag ka mag alala na baka maubos ka.Kasi kapag nakayanan mo na tanggapin ang lahat ng sakit at nilet-go mo sya ibig sabihin matatag ka.Kaya mo ulet mag ipon ng Love not for the others na but also for your self na 🙂