Nakakalito ung pakiramdam na mahal at mahalaga ka raw pero bakit may gusto siyang iba,
Ano ka nga ba sa kanya?

Mahalaga ka lang ba
dahil andyan ka pagkailangan ka niya?

Mahalaga ka lang ba
Dahil ikaw ‘yong nasasandalan niya pag may problema siya?

Mahalaga ka lang ba dahil
Ikaw ‘yong nasasabihan nang
mga hinanakit at hinanaing niya?

Mahalaga ka lang ba dahil ramdam niya kung gaano siya kahalaga sayo?

Pero pag sumuko ka ba sa kanya, susuko na rin siya o ipaglalaban ka niya at ipaparamdam sayo na mahalaga ka nga?

Pagsumuko ka ba sa kanya,
sasabihin niyang manatili ka o tatalikod na rin siya papunta sa minamahal niya?

Gising na!

Masyado siyang naging mahalaga pero tandaan mo rin kung gaano ka kahalaga kahit hindi pa ikaw yung piliin niya

Masakit at mahirap pero kailangan mo din pahalagahan ang sarili mo, wag mong hintaying ubusin ka ng pagmamahal mo..

Tandaan mo
Minahal ka, mahal ka
At mamahalin ka ni Lord
Kaya niyang iparamdam
Ang dakilang pagmamahal na sa iba mo inaasam!

Naniniwala akong may lalaking magpapahalaga, magmamahal at iluluhod ka kay Lord

Buo at walang kahati..

By: Pikachun