Nang tayo ay magkalayo, milyang milyang layo. Umuwi sa bayang pinangako,

Sa bayang sinilangan dumako, Sapagkat kailangan mo, tapos na ang kontrata mo

Naaalala mo pa ba? Iyong bilin ko sayo bagu ka umalis sinta,

Sabi ko na wag kayong magkita, pero ayaw nyong paawat na dalawa

 

Ako’y iyong binigo, sinira mo ang iyong pangako. nagkita kayo, sa kanya’y nakipagtagpo

Di ko lubos maisip at mapagtanto, kung paanong nagawa mo sa akin ito

Sana di ka na lang nangako kong ito din ay sisirain mo! sinira mo ang tiwalang binigay ko

Mahirap nang maibalik at nagkalamat na ito di mo pa sinabi, sa kanya ko pa nalaman ito

 

Bakit nagkita pa kayo?mag-ex na kayo, anu pa ba ang dapat pag-usapan nyo?

Na miss nyo ba ang isa’t-isa? Ex na nga diba? Tapos na! at bat may kumunikasyon pa kayo?

Ang sakit, ang sakit sakit sa puso, di ko lubos maintindihan ang nadarama ko

Para akong binaril nang patalikod habang nakatawa kayo

Habang masaya kayong magkasama, samantalang ako’y nagsusumamo

Nagsusumamo na naging tapat ka lang sana mahal ko

 

Wala akong magawa sapagkat ako’y nasa malayo

Tinatawagan kita ngunit di mo sinasagot di ka interesado

Pag-uusapan nalang yan natin sa pagbalik ko,

Ngunit kailangan ko nang eksplenasyon ngayun mismo

 

Hindi mo alam ang pagtaksilan kaya ako nagkakagnito

Gusto kong ipamukha sayo na galit ako at iparamadam na nagtatampo ako

Ngunit paano? Paanu ko magagawa kong malayo ka sa tabi ko

Subrang sakit ang pagtaksilan ka nang mahal mo, ngunit kinubli ko ito

 

Pilit kong tiniis ang sakit, at magkunwaring walang nangyaring mali

Ngunit hanggang kalian ako magtatago sa likod nang aking ngiti

Pusong makirot, puno nang pait at pighati luhang puno puno ng pagdadalamhati

Akala ko ba mahal mo ako, nganit paano mong nagawa sa akin ito?

Paanong mong nagawang pagtaksilan ako,

 

Di naman sana mangyayari ito, kung hindi dahil sa malanding ex mo,

Kumukiringking kahit tapos na kayo, mag antay ka lang nang oras mo,

Maaaring masaya ka ngaun dahil ikaw ay nanalo

Ngunit di lahat nang pagkakataon sayo, mag aantay ako nang muli mong pagkatalo