Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Gusto mo ng taong kayang iparamdam na importante ka
Gusto mo ng taong kayang mahalin at tanggapin ka
Ngunit, bakit mo ipinagtabuyan yung isang taong minahal at binigay sa’yo ang lahat? Binigay buo nyang sarili para lumigaya ka. Ginawa kang una sa lahat.
Subalit aking napagtanto, kahit ibigay ng isang tao ang buong pagmamahal at iparamdam sa’yo na ikaw ang pinakaimportante sa buhay nya
Iba pa din ang hahanapin mo
Dahil hindi na siya ang mahal mo
Dahil hindi siya si ano
Huwag kang mag-alala
Wala kang kasalanan
Hindi mo kasalanan na mas mahal mo yung ngayon kesa sa isang taong nagparamdam sa’yo ng mga bagay na yun noon
Wala kang kasalanan
At tulad nya
Ika’y nagmamahal lang naman

Nais ko syang ipakilala ulit sayo
Ang taong iniwan mo para sa isang taong di kayang iparamdam ang halaga mo

Pen nga pala
Dati mong tahanan
Dati mong mahal
Walang ibang hinihiling kundi ang iyong kaligayahan

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required