Ang daya nung binigay ko ang lahat pero hindi pa rin sapat

Ang daya nung sinabi mong manatili ako pero iba pa rin ang pinili mo

Ang daya nung sinabi mo, ako lang pero naghanap ka rin ng iba sa kalaunan

Ang daya kasi ikaw ‘yong nanligaw pero ikaw din ‘yong bumitaw

Ang daya kasi ako ‘yong sandalan at takbuhan pero ako din ‘yong tinakbuhan

Ang daya nang sabay tayong nangarap pero iba ‘yong makakasama mo sa hinaharap

Ang daya kasi masaya kana sa kanya pero heto ako nagmumukha paring tanga ..

Pero kahit ang daya lang ng tadhana umaasa akong sa huli tayo rin ay magiging masaya

May mga bagay na madaya mang isipin, sa bandang huli ito rin ‘yong nakakabuti sa atin..

By: PikaChun