Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Minsan rin tinatanong ko ang sarili ko, “Minahal nga ba kita?”. At bumabalik din sa ala-ala ko kung anong pakiramdam nung mga panahong magkasama tayong dalawa.

“Oo, minahal kita.” Sapagkat sa pagbalik ng mga ala-alang ‘yon ay ang pagbalik din ng mga panahong kung paano mo ako nasaktan. O ako lang ang nanakit sa sarili ko, kasi ang palagay ko lamang ngayon ay pinilit ko lang ang sarili ko sayo noon. Sapagkat sa dami ng mga salitang sinambit at ipinarating sayo, wala akong ni katiting na nakuhang sagot mula sayo. Balewala lahat ng pagsambit ng nararamdaman.

At sa muli’t muling pagkakataon ay pa ulit ulit ulit kong mararamdaman na parang wala lang sayo yung sakit na ginawa mo. Sakit na hindi ko rin alam kung may kabuluhan dahil ang mga salitang ako at ikaw ay hindi naman nadugtungan ng salitang TAYO.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


 

Photo by Jen from Pexels

Send me the best BW Tampal!

* indicates required