ang pagibig ay sadyang mapaglaro

hindi mo namamalayan bigla nalang siyang darating

gustuhin man ito ng iyong puso o hindi.

ngunit puso ninyo’y pinaglapit

natagpuan ang sayang hindi maipagpapalit kahit

sakit pa ang maging kapalit kumapit sa pangakong ikaw lang walang papalit.

ngunit sa kabila ng saya may pait, pait nang kahapon na hindi mo malimot

diba ang ex ay past na bakit sayo present pa nagkaroon ng sigalot ang ating

pagmamahalan,inamin na ika’y may kinakasamang iba at may anak na.

tinanggap ngunit ang sakit, sakit na naidulot ng bawal na pagibig

bakit na lamang ang pumapasok sa isip at takot

na kailanman ay hindi niya ako kayang piliin.

sa ngayon ay di na mangungulit upang masalba ang pusong nangangalit at nagtatanong

bakit sayo pa napalapit . kaya’t ako ngayon kumakapit sa pag-asang sana ay di na

napalapit  at hindi narin inibig upang tuluyan nang malimot ang saya na dulot ng pagibig mo pero  sa dulo pait din ang pinadama.

naudlot man ang ating pagibig umaasa parin akong maisasaayos mo ang pagibig ninyong kailanman ay di nawala at magdudulot uli sa inyo ng saya tiwala sa isat isa na nawala.

huwag na sanang papadala sa poot at sigalot bagkus ay patibayin

mahalin na lamang siya sa kanyang pagkakamali at pagkukulang.

kung ako man ang iyong iniisip pilit tatanggapin ang poot at sayang dulot

di kita malilimot dahil kailanman di kasalanan ang magmahal at sumugal.

salamat sa dala mong pagibig ang alaala mo’y di mawawaglit kailanman.