Sa iyong paglisan sa aking mundo
akala ko buhay ko ay guguho.
Pero doon ko napagtanto
Na ang lahat ay isa lamang laro.

Sa panahong magkasama pa tayo
Akala lahat ay totoo.
Masakit isipin na wala palang tayo.
Na sa ating dalawa ako lang ang totoo.

Ayoko na sayo
Ang sinasabi ng isip ko.
Pero ang puso ko
Ikaw parin ang gusto.

Ngayon wala na ako sa piling mo
At di na kailangan sa buhay mo.
Pumasok sana sa isipan mo
Na may isang taong naging tanga sayo.

Naniwala sa lahat ng iyong kasinungalingan
At umasa na sa iyong paglisan
Ako ay di makakalimutan
At di mawawala sa iyong isipan.

Sana maibalik ko ang orasan
Kung saan tayo ay nag umpisa
Upang lahat ay maitama
at hindi naging ganito ang ating sitwasyon.