Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Natatakot ako na baka matapos kitang buuin.
Ako naman ang madudurog.
Baka kasi matapos kitang tulungang maabot yung best mo,
Hindi pala ako ang pag-aalayan mo nito.
Baka kasi kapag maayos ka na,
Marami nang maa-attract na iba,
at maisip mo na may better pa pala,

Kaya naman patawarin mo ako ha?
Kung sa bawat paglapit ko sayo,
Handang handa rin akong tumakbo palayo.
Patawarin mo ako kung ang kapit ko sayo’y maluwag, at handang bitawan ka anumang oras.
Hindi dahil madali kang i-let go,
Kundi dahil ayokong mahirapan tayong dalawa
Kapag nagdesisyon na ang tadhanang tayo’y paglayuin na.

Kung alam mo lang kung gaano kalalim ang sakit…
Sa tuwing maiisip ko na balang araw, lahat ng alaala natin ay kailangan ko nang limutin.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Patawarin mo ako kung lagi akong handang lumayo.
Ayoko lang maging makasarili na ipilit ang sa atin.
Baka kasi mayroong ibang nilaan ang Diyos para sa atin.

Kaya nga, kung pagdating ng araw tayo’y magkahiwalay din ng landas…
Hindi ako magsisisi na tumulong akong mabuo ka.
Ipagpapasalamat ko na lamang na ako’y naging bahagi rin ng iyong istorya.
Tanging hangad ko lang na sana ika’y maging masaya.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required