Hi. Call me Hani. 28 years old. May dalawang anak. Married. Nagkakilala kami way back 2008, graduating na sa High School. Sa Batangas sya magkacollege habang ako naman ay sa Quezon City. Pareho kami nang probinsya, pero magkaiba kami ng bayan. Naging kami thru text shempre uso noon! Pero hindi kami nagkita in person. Nagsimula ang college days, parang kami na parang hindi. Hanggang sa dumating ang birthday ko, may nagmessage sakin na babae na girlfriend sya ni BB Boy. Hahaha sabi nya sa akin, ang hirap daw kasi sya ang kasama, pero ako ang nasa puso. Mula nun nagkahiwalay na kami. 2nd sem, nalaman ko na lang na ibinalik sya sa probinsya namin dahil nagpanggap na buntis yung nagpakilala sakin na girlfriend nya. That was the last communication that we had. 2010 and 2011 summer, nagchat sya sa facebook out of nowhere, nangamusta. After that, nawala na naman sya hanggang August 2011, week na naman ng birthday ko tumawag sya sakin. He’s somewhere, drinking, kasi brokenhearted. Depota lagi talagang week ng birthday ko sya naggaganyan. Mula nung gabing yun, madalas na sya magtext. Nung time na to, ito yung pakiramdam ko na isinumpa ako ng ex ko dahil walang nagtatagal sakin. Bukod tangi sya na nakakatiis sa mga “isang tanong, isang sagot” na way ko ng pagtetext. Yung “okay” na lang ang text mo, may follow-up na naman syang question. Pagkatapos ng isang buwan mula nung birthday ko, nagpaalam sya na aalis. At dito na nga nagsimula ang banat na “mag-ingat ka, mamahalin pa kita.” Yun ang simula na officially kami na. Mabilis? Siguro. Hindi kasi ako naniniwala sa ligaw e. Pwede naman kasi nilang i-peke yung nararamdaman nila habang tumatagal. 10days after maging kami, yun pa lang yung time na magkikita kami. Paluwas ako kaya nag-usap kami na magkikita kami. After 3 yrs mula nung nagkakilala kami, ito na. Magkikita na kami. Okay naman. Hahaha. Nung una shempre, awkward pero madali kasi gumaan yung loob ko sa kanya. Siguro nung una hindi mo pa masyadong mahal pero habang tumatagal lumalago. I was very independent, back then. A competitive kind of woman. Pero alam ko hindi ako makakasabay ng graduation sa kanya kasi nagshift ako, at the same time, leche leche ang grades ko dahil wala akong gana sa course na nilipatan ko. 2012, graduation nya. Papasok sya sa isang prestehiyosong akademya, walang communication. Mahirap ang communication. Pero sabi kakayanin, kasi para sa future namin. Okay naman, masaya, masarap, malungkot, nakakamiss sa pakiramdam. 2013, dumating sa punto na akala ko mawawala na. Busy ako sa trabaho, kelangan ko pang aral e. Sira na din yung pamilya kong iningatan. Wala na akong aasahan samin. Okay pa din kami, may mga pagkakataong nagkikita kami. Dinadalaw ko sya. Same year nang malaman kong buntis ako. Nung una, ayaw ko sana ipaalam sa kanya. Kasi alam ko masisira sya e. At alam ko din na hindi pa sya handa. Oo, naisip ko na ipalaglag ko. Pero hindi ko itinuloy. Baka kasi kapag handa na ako, saka naman ako hindi bigyan ng anak. Nakipaghiwalay ako sa kanya, pero ayaw nya. Hanggang sa napilitan ako sabihin sa kanya bakit ako nakikipaghiwalay. Tinanong ko sya kung gusto nya pa ba ituloy o gusto nya na lang ba magbigay ng sustento. Sabi nya, itutuloy dahil gusto nya ng buong pamilya para sa anak namin dahil yun ang parehong wala kami. Itinuloy namin. 2014, nanganak ako. Wala sya. Pero okay lang. Kelangan mo unawain e. 2015 pagkatapos ng huling bakasyon nya, nalaman ko na naman na buntis ako. HAHAHAHA sabi nila pag breastfeed, safe daw e! Same year nanganak ako ulit. Nang mag-isa. Wala sya ulit. Dagdag happiness na naman sa pamilya namin. Okay naman kami, may mga pagkakataon lang na sobrang emotional ko. Pakiramdam ko may kulang. Siguro support from partner. Kaso hindi pa nga pwede. One time, may time na pwedeng pwede sya mag cellphone pero hindi sya nagparamdam ng isang linggo. Pero pagkatapos nun sabi nya may problema lang daw, pero sa kanya yun at wala sakin. Hanggang sa nakatapos sya doon. Naging ganap na opisyal. Nagpakasal kami. Sa limang taon namin na mag-asawa, hindi lang ako ang nakaramdam ng pagmamahal nya samin ng mga bata kundi yung mga taong nasa paligid din namin. Hanggang sa nakagawa ako ng isang pagkakamali na ikakagalit nya ng sobra. (hindi ito 3rd party, okay?) I am willing to take all the responsibilities kasi kasalanan ko. I need to accept his cold treatments kasi kasalanan ko. Sobrang sakit pala marinig nung mga salitang “Hindi na ako masaya”, “Pagod na ako” mula sa taong minahal at kasama mo sa matagal na panahon. Tiniis ko, kasi hindi sya okay emotionally e. Ang lakas ng impact sa kanya nung nagawa ko to the point na depressed sya. Kaya kahit gustong-gusto ko lumapit, hindi ko magawa. Kasi sabi, hayaan ko daw muna sya. Ako ang nagtitrigger sa kanya kaya mas mabuti dumistansya muna ako. Ilang beses ko din tinanong kung may iba na ba sya. Sabi nya wala. Nag-iisa lang daw ang misis nya. Yun ang dahilan bakit nag-hold on ako. Kasi assured ako na ako pa din, galit lang sya. Ramdam ko din naman na wala. Hanggang sa hindi ko inaasahang may mahuhuli pala ako. Oo, walang sexual attachment o physical contact pero mas masakit kasi yung emotionally attached e. Dun sa mga panahon na dinistansya ko yung sarili ko kasi sabi ako yung nagtitrigger ng depression nya e, yun pala yun yung taong nagcocomfort sa kanya. Madali tanggapin kung hindi alam nung babae na may pamilya na e, kaso alam na alam e. May mga ganun pala talagang babae noh? Kahit sana hindi na lang ako e, kahit sana nakita na lang na dahilan yung mga anak ko. Kung matino kang babae, unang una mong sasabihin na ayusin muna yung problema. Kaso hindi e, tinanong kung pwede bang maging girlfriend kahit alam na ganun ang sitwasyon. At pumayag naman agad. Wasak na wasak ako, kasi yung nag-iisang dahilan para maghold-on ako, nawala na. For the first time, nakita ng mga anak ko na iyak ako ng iyak. Na mag away kami maya’t maya. Hindi healthy para sa kanila kaya nagdesisyon ako na ihatid sa family ko. Nalaman ko din na nauna pang magsimula ang affair nila kesa sa nalaman nyang problema ko. For 3 months tiniis ko lahat ng treatment e. Kasi akala ko ako yung mali. Akala ko ako yung sumira. Kasi yun ang pinamukha at pinaramdam nya e. Mali ko. Yun pala nauna na sya. Sampung taon yun e, bakit ganun kadali? Bakit ganun kadali bitiwan lahat? Sabi nya matagal na daw nya hindi nararamdaman na hindi na ako mahal. Mula pala nung magkababy, pakiramdam nya bombarded sya ng problema. Yung may gusto daw sya para sa sarili nya pero naiisip nya mas kelangan ng bata. Kaya isinasantabi nya ang sarili nya. Hindi na daw nya nararamdaman yung love, care and support galing sakin. Guilty ako sa support kasi yun palang pagtatanong ko sa kanya kung papasok sya, o pagkwestyon ko sa ginagawa nya, o hihiling ako minsan na umabsent sya ay pagpapakita pala ng hindi support. Pero yung love and care? Pakiramdam ko naman nabigay ko. Nagkulang ba ako talaga? O sadyang hindi nya na gustong tanggapin yung galing sakin kaya laging kulang? sabi nya half-hearted na lang sya mula nung magkababy kami. Pero he keeps on asking for all out love, care and support pero sya half-hearted na lang. Oo, nabigay nya yung convenience namin like nag invest sya ng bahay at sasakyan para samin. Pero pano naman yung emotional attachement namin bilang partners? Kahit sobrang vocal ko na sa mga gusto ko matanggap galing sa kanya pero hirap na hirap syang ibigay. Yun pala kasi nga half-hearted na sya. Hindi na sya masaya. Na kaya lang sya nagpakasal ay dahil sa mga bata, para masecure sila. Na kung anoman ang mangyari sa kanya ay kami ang legal na makakakuha ng maiiwan nya. Sobrang hirap ba talaga sa inyo, guys sabihin na ayaw nyo na? Ilang beses akong nagtanong e. Kung anong problema. Siguro napag usapan pero hindi napag usapan yung solusyon. Kaya yung maliit na problema, lumaki. Nagkimkim ng feelings, tapos nung sumabog sayo isisisi lahat. Nakakulong na daw sa marriage, pano ako? Hindi ba ako nakakulong din? Sana dun sa unang anak na tinanong ko sya kung gusto nya pa ba ituloy sana nagsabi na agad na hindi pa handa sa responsibilidad. Sustento lang ang kaya. Kaso, dumalawa pa ng anak at nagpakasal pa. Natatakot daw kasi sya na ilayo ko ang mga bata sa kanya kaya kahit pekein ang feelings nya, ginawa nya para makisama. Hoping daw na magbago ako, yung pagiging toxic ko. Ang bilis daw ng pacing ng relasyon namin. Bakit ba naging toxic? Hindi din naman nabibigay yung kelangan mo emotionally kaya laging may away. Nung nahuli ko, akala ko natapos na. Nalaman ko na sila na pala ulit. HAHAHAHAHAHA. Tang ina. Naaalalayan daw kasi sya financially? Yun ang wala ako e. Kasi na-stuck ako sa bahay mula nung magkababy. Walang career. Hindi ko pa natatapos course ko. Wala akong maipagmamalaki. Sabi nya bakit daw kasi hindi ko tinanggap yung tulong ng nanay nya nung maliliit pa mga bata na alagaan sila para makapag aral ako. Ayoko kasi gusto ko i-build yung relationship ko sa mga bata, samin. Yung kapag nagkaproblema sila, kami ang unang pagsasabihan at lalapitan. Kasi yun ang hindi ko naranasan e. Pakiramdam ko naman successful ako sa mga bagay na yun kasi nakita ko gano kaattach samin ang mga bata. Nag aaral ako online. Pahinto hinto, kasi wala e. Kulang ang pera. May mga binabayaran, Needs ng mga bata. Sya lang nagtatrabaho. Simple lang daw yung ginagawa ko na pagluluto at pag aasikaso sa mga bata. Na kung malapit lang sya, kayang kaya nya pa gawin yun. Nung natuto ako magnegosyo, nalugi naman ako. Mali ko ba talaga? Sakin walang enough reason to cheat, pero sabi nya sapat daw yung reasons nya to cheat. All out love daw sya nung nagsisimula pa lang kami. Hindi ba given yun? Kasi wala pa kaming anak noon e. Pano naman nung nagkababy na, biglang half-hearted na lang pala? Sana bago sabihin na enough yung reason nya to cheat ay binigay nya yung all out love nya para kung sakali dumating ang time na ganito, walang maisusumbat sa kanya kasi ginawa nya lahat. At kung sana hindi ka din nagtanong kung anong problema. Nakakainsulto lang na sabihan ka ng hindi ikaw ang ideal woman. Mataas ang standards nya. Hindi daw kasi ako pinaghirapan makuha. So, ganun pala ang gusto nya? Ganun pala ideal woman at standards nya? Yung babaeng kahit alam na pamilyado at may problema pero papayag na makipagrelasyon? Ganun ba? I am in so much pain right now, Most of the times, nagbibreakdown ako. Pagod na ako. Sobrang sakit. Hindi ko alam pano ako magsisimula at saan. One moment, lalaban ako. One moment, tinatamad ako. Gano kasakit yung sabihin nya na gusto nya na lang ang mga bata pero hindi na ako kasama dun? Na gusto nya ituloy yung relasyon dun sa babae habang nagpapakatatay sya sa mga anak ko. Pano ang binuo kong pamilya para sa mga anak ko? Sana nasanay na lang sila na hindi attached sa tatay nila. Sana hindi na lang nila naranasan may buong pamilya, sa huli masisira lang din pala.
Gaano ba kahirap sabihin na ayaw mo na?